Terorismo, hindi dapat bigyan ng puwang sa gitna ng pandemya

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang lider sa buong mundo na magkaisa at magkaroon ng kooperasyon kontra terorismo.

Pahayag ito ng pangulo sa 2020 Aqaba Process Virtual Meeting kung saan ang nag host ay si Jordanian King Abdullah II.

Sinabi ni Duterte na hindi dapat kalimutan ang paglaban sa terorismo sa gitna ng kinakaharap na pandemya sa COVID-19.

Inorganisa ang pagpupulong ng state leaders at pinuno ng international organization para talakayin ang bulnerabilidad ng mga bansa sa radicalization at violent extremism bunga ng COVID-19 pandemic.

Panawagan ng pangulo sa mga kapwa lider, maging bukas at magkarooon ng mas matibay na kooperasyon at pagkakaisa para makarekober ang ekonomiya sa kabila ng banta ng terorismo at pandemya sa COVID-19.

Hindi aniya sapat na rason ang COVID-19 para magdusa ang taong bayan dahil sa terorismo.

Read more...