Rufa Mae nakapagpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya; Boobay, Tekla, balik-taping na sa TBATS

 

NABUHAYAN na ng loob ang supporters nina Boobay at Tekla sa ipinasilip na pagbabalik-taping ng dalawa sa studio para sa fresh episode ng kanilang hit comedy program na “The Boobay and Tekla Show.”

Ibinahagi ni Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa “TBATS” kamakalawa.

Aniya, “Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, Lord! #NewNormal.”

Nag-post din ang direktor ng show na si Rico Gutierrez ng set-up ng studio kung saan mapapansin na may imbitadong audience via Zoom sa LED display, “Break a leg team! May zoom audience kami today.”

Mas pasayahin ang inyong quarantine at samahan sina Boobay at Tekla sa much-awaited fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Sept. 13 na, 10:15 p.m., sa GMA 7.

* * *

Miss na miss na ni Rufa Mae Quinto ang Pilipinas kaya looking forward na siyang makauwi sa bansa kapag pwede nang bumiyahe uli.

Excited na rin ang komedyana na makita ang ipinatatayong bahay na
malapit na raw matapos.
Sa Instagram, ibinahagi ni Rufa Mae ang ilang bahagi ng bago nilang bahay na aniya’y very soon ay matatapos na ang construction.

“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic , nag papagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down? stop ???? close, open, ecq, mcq, gcq , etc….” caption ng komedyana sa kanyang post.

Aniya pa, “Pero sa awa ng Diyos patapos na ang bahay, naitawid ang lahat. Kaka miss … pero wait wait lang… Todo na to! Go go goals.

“God will provide amen. Ito din yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan bakit miss na miss ko ang Pilipinas,” aniya pa.

Last February nagtungo si Rufa Mae sa California kasama ang anak na si Alexandria para doon mag-celebrate ng Valentine’s Day pati na ang ikatlong kaarawan ng anak. Sa California kasi nagtatrabaho ang asawa niyang si Trevor Magallanes.

Ngunit hindi na nga sila nakabalik ng Pilipinas dahil sa lockdown dulot ng COVID-19.

Read more...