10 taong relasyon nina Mikael at Megan muntik mawasak nang dahil lang sa…

 

MUNTIK na palang maghiwalay ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young dahil sa pagiging sobrang “clingy” ng beauty queen-actress.

Sa latest podcast ng mag-asawa, diretsahan nilang ibinahagi ang mga dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng away at pagtatalo.

Ayon kay Mikael, may isang issue na talagang naging dahilan ng muntikan nang pagkawasak ng 10-year relationship nila ni Megan.

Ito nga ang pagiging “clingy” ng Kapuso actress na ikinainis ni Mikael nang bonggang-bongga. Pag-amin ni Megan, “I literally made you my world.”

Pagsang-ayon naman ni Mikael, “She was losing herself. She’s sacrificing herself, her own personal growth for our relationship, and that didn’t sit well with me. I wanted Bonezy (tawag niya sa asawa) to grow individually.”

Inalala pa ng aktor nang minsang puntahan pa siya ni Megan sa gym at naghintay nang ilang oras sa isang sulok nang walang ginagawa.

“It also came to a point that I wasn’t seeing my friends, I wasn’t hanging with my family enough, I wasn’t even doing things for myself,” pag-amin ng aktres.

Hirit naman ni Mikael, “I saw Bonezy as someone in the future who I didn’t want to be with, because she wasn’t growing independently or as an individual. That was the closest of us breaking up.”

“He couldn’t see me as the Megan that he saw when we were dating,” singit ni Megan.

Sa huli, sinabi ni Mikael na may tatlong mahalagang elemento ang pakikipagrelasyon.

“There are two individuals, that’s you and me and then the relationship. I see those things as three separate entities.

“And anytime that you lose sight of taking care of any one of those entities, then you kind of parang ruin the balance.

“During the lowest of our lows, I think being able to converse and persevere, that’s our way of keeping the fire burning,” pahayag pa ng Kapuso actor.

Read more...