Bandera Tapatan: Alfredo Lim, Lito Atienza

Marvin Balute, Bandera Correspondent


Panayam ng Bandera kay Lito Atienza

SI Lito Atienza, 59, ay ipinanganak sa San Andres Bukid noong Agosto 10, 1941.
Bago naging Secretary ng Environment and Natural Resources, natapos ni Atienza ang tatlong termino bilang mayor ng Maynila.  Ngayong darating na halalan ay sasabak muli siya sa pagkamayor ng lungsod.  Iboboto ba siya ng Manileño?

BANDERA: Ano ang dahilan kung bakit nais ninyong maging mayor ng Maynila?
Lito Atienza: Kailangan ng programang pangkabuhayan para sa mga Manileño kaya muli akong tatakbo. Noong panahon ko ay mayroon tayong itinulak na “buhayin ang Maynila” which helped the city.
Ano ang tatlong  dahilan kung bakit kayo ang dapat iboto ng mamamayan ng inyong syudad? may massive housing program kami at land for the landlesspeace and order.  Manila became most peaceful dati-rati.  Number one kami sa peace and order pero nawala na. Laganap ngayon ang krimen. Graft and corruption ay dapat lutasin.
Kung sakaling kayo ay mahalal ano ang tatlong bagay na inyong gagawin sa unang 100 araw ninyo sa puwesto? (Hindi lang tatlo ang tinukoy)Ipagpatuloy ang kampanya laban sa droga. Wala kaming naki-kitang drug campaign in Manila sa ngayon kaya ipagpapatuloy ko ang kampanya laban sa droga. Babawiin ang Century Park Tanggalin ang oil depot at ilipat sa isang lugar na malayo sa pamayanan at ilipat sa malapit sa dagat. Hindi totoong maraming nakatira sa Pandacan ang nagtatrabaho sa oil depot, karamihan sa mga empleyado sa oil depot ay hindi taga-Pandacan. Kapag naalis na natin ang oil depot ay papasukin na ng mga negosyante yan dahil papagandahin natin yan. Magtatatag ako ng malawakang urban poor affairs and poverty alleviation office. Diyan natin ilalagay ang programa lahat ng usapin sa pagtulong sa mahihirap. Tatanggalin ang “kamag-anak incorporated”.
I-rank mula sa pinaka importante hanggang sa least important ang mga sumusunod na problema ng Maynila — squatters, garbage, peace and order, drugs, illegal gambling; at bakit? Hindi inaayos ng isa-isa yan kundi sabay-sabay na asikasuhin. Peace and order, drugs, pabahay lahat yan dapat asikasuhin at ayusin. Ang bottom line niyan  ay ekonomiya, kung maayos ang ekonomiya ay walang kahirapan.
Pinaka malaking problema ng Maynila,  paano ito sosolusyunan?  Kailangan palusugin ang ekonomiya. Kapag may trabaho, negosyo ang tao,  ang gobyerno ay mayroong maayos na koleksyon at marami kang maibibgay para sa mga mamamayan. Babaguhin ko ang pananaw ng mga tao hinggil sa “kotong” at dapat walang kotong. Peace and order pa rin laban sa krimen, drug addict at drug pusher.
Ano ang tatlong bagay na meron ka at wala ang kalaban mo? Experience in management, 9 years continued service.  Naging  Cabinet member tayo ng isang pinakamalaking kagawaran ng ating gobyerno national. Vision pa rin natin na buhayin ang Maynila which is to fight poverty. Yung dalawang kalaban natin (Lim at Avelino Razon)  ay parehong pulis palagay ko naman ay deperensya ng pulis mentality at civilian ay fundamental and basic.
Ano rin naman ang tatlong bagay na meron ang kalaban mo na wala ka? Mga pangalan nila (laughs). Wala akong nakikitang kaibahan nila. Actually, I think they are the same sa kanilang kakayahan.
Malaki ang problema ng Maynila sa abortion, paano ninyo ito sosolusyunan? Yan ang nilalabanan namin. The most heinous crime that a man can commit is abortion, ang pinapatay mo diyan ay ang pinakainosenteng buhay ng tao, ang sanggol. Patuloy kaming magbibigay ng edukasyon sa mga tao na huwag maging iresponsable. Ipagpapatuloy ko ang “responsible parenthood” at proper values.  Ang abortion kasi ay galing sa irresponsible parenthood.
Ano ang posisyon nyo sa RH bill? Kontra ako sa RH bill dahil  maling solusyon yan sa isang problema ng bayan. Hindi solusyon ang magbawas ng tao, hindi pa ba tayo natuto na ang China ay pinakamaraming tao pero sila ay maunlad na bansa. Mag-kontrol ka pero gamitin mo yung natural na paraan. Mali yung katulad ngayon na nagkakalat ang “condom” sa Avenida Rizal, para nilang sinabi sa mga kabataan na gawin ninyo ang gusto ninyong gawin basta gumamit kayo ng condom mali iyon.
Anong lifestyle meron si Atienza?

BANDERA: Ilang bahay meron po kayo? Dalawang bahay yung isa town house sa Ecoville.
Sa bahay na tinutuluyan ninyo ngayon, ilang silid meron ito?  Dalawa at doon natutulog ang dalawa na-ming ampon dahil yung mga anak ko ay may mga pamilya na at may sarili na rin silang bahay.
Ilan ang cr? Dalawa
Ilan ang kasambahay? Tatlo, yung isa naka-focus sa dalawang ampon namin.
Ilang sasakyan meron kayo?   Ang naka-rehistro sa akin ay yung ibinigay ni Manny Pacquiao na Toyota Land Cruiser. Yung ibang sasakyan ay sa mga anak ko.
Ilan ang driver? Isa lang.
Magkano ang ilalabas ninyong pera sa eleksyong ito? Wala pang exact figure ng expenses, pagkatapos ng election saka natin malalaman yan. Galing lang sa mga tunay na kaibigan ang tumutulong.
Maaari ba naming malaman kung sino ang top 3 fund contributors ninyo? Puro long time friends ang tumutulong sa aten.

Panayam kay Alfredo Lim
Si Alfredo Lim, 71, ay ipinanganak noong Disyembre 21, 1929. Naging mayor na siya ng Maynila noong 1992 hanggang 1998.  Naging senador at muling nailuklok sa pagkaalkalde ng Maynila noong 2007.
Uubra pa rin kaya si Lim ngayon sa mga Manileno matapos nilang masubukan ang kanyang kalibre?
BANDERA: Anong  dahilan kung bakit sa tingin ninyo ay kayo pa rin an iboboto ng mga taga Maynila?
ALFREDO LIM: Marami na rin akong nagawa at ang prayoridad ko ay health. Nagpatayo na ko ng mga ospital at may mga ipinapatayo pa kong ospital. Sa anim na ospital, lima na yung nabuksan yung isa ay under construction pa. May dalawang  nabuksang school sa Maynila na libre ang pag-aaral at kahit anong bayarin ay wala ng babayaran ang mga estudyante.
Kung kayo ay mahahalal muli, ano ang tatlong bagay na inyong gagawin sa unang 100 araw ninyo sa inyong tanggapan?Financial center sa likod ng Manila Hotel along Bonifacio drive hanggang sa Delpan Bridge. A 30-storey high rise condo ang gagawin ko para din sa financial center. Ipagigiba ang mga lumang establisimento doon at irerenovate yun para sa bagong financial center.Establishment of City Transport system, na iikot sa buong lungsod ng Maynila ang 10 aircon buses pero 50 porysento lamang ang pamasahe sa original na pamasahe. Build a high rise low cost condominium para sa mga pamilya na nasa squatters area
Paano ninyo  sosolusyunan ang mga problema hinggil sa oil depot,  squatters,  sugal, kotong cops? Ang tungkol sa oil depot, may usapan na diyan na in five years time mag-face out na sila. Tutol ang Canadian, American chambers of commerce and other chambers of commerce dahil maaapektuhan ang kanilang investments. Yung mga nakatira malapit sa oil depot ang tutol dahil yun din ang pinagkukunan nila ng pangkabuhayan. Kung ililipat ng lugar, eh dapat hindi mawalan ng trabaho ang mga mamamayan lalo na yung taga lungsod ng Maynila. I now realized the difficulties of facing out oil companies. Dapat walang displacement para yung mga nagtatrabaho doon eh hindi mawalan ng trabaho. Squatters.  Hindi pwedeng tanggalin ang squatters unless may relocation na sila.
Kotong cops. Mahigpit ako lalo na sa kotong. May 22 na akong pinadismiss dahil sa kotong.
Iligal na sugal.  Ang mga iligal na sugal ay ipinahuhuli ko, bawal yun lalo na sa lunsod.  They have to be regulated.  Mahigpit ang kampanya namin laban sa sugal.
Ano ang posisyon ninyo sa Reproductive Health bill? Tutol ako sa Reproductive Health Bill dahil Catholic kami. Kung ano ang sinasabi ng inyong relihiyon ay yun ang sundin nyo. Tutol din ako na ituro sa elementary ang sex education, sa high school    pwede. Tutol din ako sa sinabi ng gobyerno na bumili ng mga contraceptives, we never do that.
Ano ang tatlong bagay na meron ka at wala ang mga kalaban  mo (Atienza at Razon)?
Dedication sa trabaho at sa public service. Tumutulong sa nangangailangan kaya ako andito.Clean and honest governance focus on highest interest and welfare of the city and its constituents.Walang personal o political interest
Ano naman sa tingin mo ang mga katangian ng iyong mga kalaban na meron ka rin?
Sincerity, pakikitungo sa tao at paglilingkod sa bayan.
Anong uri ng lifestyle meron si Lim?

BANDERA: Ilang bahay meron po kayo?  Isa  sa Fairview(Quezon City); isa sa  Tondo; isang lote sa QC pero  tumutuloy ako ngayon sa Legaspi towers.
Sa bahay na tinutuluyan ninyo ngayon, ilang silid meron ito? Three  bedrooms
Ilan ang cr?Dalawang CR
Ilan ang inyong mga kasambahay? Tatlo
Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng pamilya? Family business (hindi tinukoy kung ano)
Rough estimate ng family income? P250,000 a month galing sa family business.
Ilang sasakyan meron kayo? Tatlo
Anu-ano po ang mga ito?  Isang kotse at dalawang van
Kani-kanino nakapangalan ang mga ito? Sa akin mismo nakapangalan
Ilan ang inyong driver? Dalawa
Magkano ang ilalabas ninyong pera sa eleksyog ito? Wala pang figures dahil sa hindi pa ako nagkakabit ng mga posters dahil sa March 26 pa ang simula ng kampanya.
Maaari ba naming malaman kung sino ang top 3 fund contributors ninyo? Aalamin ko muna kung gusto nilang ipasabi ang kanilang mga pangalan, pero mga close friends ang tumutulong sa atin.

BANDERA, 031210

Read more...