TikTok paandar ni Barbie ala-Blackpink patok; Garrett, Kyryll wagi sa 33rd Awit Awards

 

MUKHANG unti-unti na ring nahu-hook ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa TikTok!

 

Parami na rin kasi nang parami ang mga netizens at TikTokers na nag-aabang sa bawat video ng girlfriend ni Jak Roberto.

 

Kamakailan nga ay napa-wow ang online viewers sa kanyang videos tampok ang mga sikat na dance craze na “Ice Cream” ng BLACKPINK at ni Selena Gomez pati ang single nina YG, 2 Chainz, Big Sean at Nicki Minaj na “Big Bank.”

 

Amazed hindi lang ang kanyang fans kundi pati ang kapwa Kapuso artists na sina Ai Ai delas Alas, Gladys Guevarra, Shaira Diaz, at Ashley Rivera sa paggiling-giling ni Barbie!

Inuulan talaga ngayon ng positive comments ang kanyang Instagram kada post niya ng mga bagong TikTok paandar.

 

Sa ngayon, may 2.5 million followers na si Barbie at 9.3 million likes sa TikTok.

 

Samantala, dapat ding abangan ng fans ang pagbabalik-taping ng pinagbibidahan niyang primetime series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” sa GMA Telebabad.

* * *

Wagi ang GMA Music artists na sina Garrett Bolden at Kyryll sa 33rd Awit Awards ceremony na ginanap online recently.

 

Napanalunan ni Garrett ang People’s Choice Awards for Favorite New Male Artist habang wagi naman si Kyryll ng Best Performance By A New Female Recording Artist para sa “Silent Rumblings.”

 

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Garrett para sa bagong parangal na natanggap at sa suporta ng mga tao sa paligid niya, “First of all, I’d like to thank God for another Blessing.

“Something that I didn’t expect that I’ll get specially during this Pandemic.

“This is the 2nd time na marecognize ng isang award-giving body in this industry. First is PMPC STAR AWARDS, isang bagay na dati ay pinapanaginipan at pinapangarap ko lang.”

Sabi naman ni Kyryll nang marinig niyang inanunsyo ang kanyang pangalan, “Oh my gosh! Thank you so much po Awit Awards. Hindi ko po talaga inexpect ito and thank you po so much sa GMA Music. I’m so thankful! Thank you so much po.”

Read more...