Jennylyn dumepensa para sa single moms: Mahirap maging nanay at tatay…mas powerful kami

 

PARA na ring pinatikim ng mag-asawang sampal ni Jennylyn Mercado ang mga taong napakababa ng pagtingin sa mga single mother.

Talagang binoldyak ng Kapuso actress ang ilang netizens na walang ginawa kundi ang laitin at maliitin ang mga tulad niyang nanay na mag-isang nagtataguyod sa kanyang anak.

May isang anak si Jennylyn sa dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia, si Alex Jazz na 12 years old na ngayon.

At mula nang ipanganak ang bagets ay talagang nagtrabaho siya nang bonggang-bongga para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.

Ni-repost ng girlfriend ni Dennis Trillo sa Twitter ang isang comment ng netizen na tila sarkastiko ang pagtatanggol sa mga single moms. Anito, “Respeto naman sa mga babaeng inanakan lang!”

Mensahe ni Jennylyn tungkol dito, “To all the single moms out there, never let comments like this get to you.

“Having a kid early doesn’t make you  less of a woman. In fact it’s the opposite.

“Being a single parent made us stronger than ever. Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin,” pagtatanggol ng aktres sa lahat ng mga magulang na solong nagpapalaki sa kanilang mga anak.

Hirit pa ni Jennylyn, “And for those people na minamaliit pa rin kami hanggang ngayon, I feel so sorry for you.

“Lahat ng mga kritisismo sa pagkatao namin nasabi na sa amin, and yet here we are. Raising our kid(s) the best we can.

“Whatever you say, You can and will never bring a strong woman down.

“Kaya always hold your head up high. We are more powerful than they think we are,” mensahe pa ng Kapuso TV host-actress sa lahat ng mga kapwa niya single parent.

 

Read more...