Matapos ang halos isang buwang pananatili sa Davao City, balik-Maynila na kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagtungo muna sa Jolo, Sulu kahapon ang pangulo para bisitahin ang lugar kung saan naganap ang pagsabog na ikinasawi ng mahigit sampu katao.
Nagsindi ng kandila, nag-alay ng bulaklak at panalangin ang pangulo.
Pagkatapos ng pagbisita sa blast site, nakipag-usap din ang pangulo sa mga sundalo.
Ito ay para palakasin ang morale ng mga sundalo sa gitna ng panibagong hamon sa seguridad sa Jolo.
Pasado alas 3:00 ng hapon nang umalis ang pangulo mula Davao patungo ng Jolo.
Mag aalas-6:00 naman ng gabi nang umalis ng Jolo ang pangulo patungo ng Malakanyang.
Dahil mahirap ang signal sa Jolo, alas 8:00 na ngayong umaga mai-ere sa PTV ang talumpati ni Pangulong Duterte.
Ngayong araw, may meeting ang pangulo sa IATF.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa kanilang pag-uusap ni Senador Bong Go, iaanunsyo na ngayong araw ni Pangulong Duterte ang bagong Philhealth President kapalit nang nagbitiw na si PhilHealth President Ricardo Morales.
Utos ng pangulo sa susunod na PhilHealth president, linisin ang kalat sa ahensya.
Sa September 2, may nakatakda namang virtual conference ang pangulo sa Malakanyang kay King Abdullah bin Al-Hussein ng Jordan.
Tatalakyin ng dalawang lider kung paano ang pagsugpo sa pandemya sa COVID-19.