Pagpanaw ni Black Panther ‘most liked tweet ever’, Captain America, Thor, The Hulk may pa-tribute

 

“MOST like tweet ever!”

Yan ang ibinandera ngayon ng Twitter patungkol sa announcement ng pagpanaw ng Hollywood star na si Chadwick Boseman o mas kilala bilang si Black Panther.

Sa official account mismo ng Twitter, ni-retweet ang balita ng biglang pagkamatay ni Boseman na ikina-shock ng buong mundo.

“Most liked Tweet ever.

“A tribute fit for a King,” ang caption sa post ng official page mismo ng Twitter gamit pa ang hashtag na #WakandaForever mula sa Marvel movie nitong “Black Panther” at “The Avengers”.

Ayon pa sa report, ilang oras pa lang ipinost sa Twitter ang malungkot na balita kahapon ay nakakuha na ito ng mahigit 6 million likes, 3 million retweets at more than 150K reply.

Namatay si Black Panther dahil sa colon cancer sa edad 43 at apat na taon ding nakipaglaban sa kanyang karamdaman.

Kahit na na-diagnose na siya ng Stage 3 colon cancer noong 2016, ginampanan pa rin niya ang role na Black Panther bukod pa sa pinagbidahang sariling blockbuster Marvel film.

Siya uli sana ang bibida sa sequel ng “Black Panther” na ipalalabas sana sa 2022.

Samantala, kanya-kanya naman ng pagbibigay ng tribute sa kanya ang mga kapwa “Avenger” sa pamamagitan ng social media.

Mensahe ni Chris Evans na gumanap na Captain America, “I’m absolutely devastated. This is beyond heartbreaking. Chadwick was special. A true original.

“He was a deeply committed and constantly curious artist. He had so much amazing work still left to create. I’m endlessly grateful for our friendship. Rest in power, King,” aniya pa

“Gonna miss you mate. Absolutely heartbreaking. One of the kindest most genuine people I’ve met. Sending love and support to all the family xo RIP,” sabi naman ni Chris Hemsworth, na gumanap bilang Thor.

“Chadwick was someone who radiated power and peace,” ayon naman kay Brie Larson na mas kilala bilang si Captain Marvel.

Mensahe naman ni The Hulk o Mark Ruffalo, “All I have to say is the tragedies amassing this year have only been made more profound by the loss of #ChadwickBoseman. What a man, and what an immense talent.

“Brother, you were one of the all time greats and your greatness was only beginning. Lord love ya. Rest in power, King,” aniya pa.

Read more...