Awra Briguela nag-sorry matapos umawra nang naka-braid ang buhok: Mali po ako

 

 

NAG-SORRY agad ang youngstar na si Awra Briguela matapos umani ng batikos sa pagpo-post ng kanyang braided hair sa social media.

Kaliwa’t kanang pagpuna ang natanggap ng dating child star mula sa mga netizens dahil sa tinatawag na “cultural appropriation” o ang pagkopya sa pagkakakilanlan ng ibang kultura.

Nagsimula ang isyu nang ibandera ni Awra ang kanyang mga litrato na naka-cornrow hairstyle. May caption itong, “I don’t need a weapon. I am one.”

Ayon sa mga komento ng ilang netizens, hindi tama ang gamitin ang nasabing hairstyle kung hindi ka kabilang sa African at Carribean na lahing nagpasimula nito.

May nagpayo kay Awra na tanggalin na ang kanyang post bilang respeto sa kultura ng iba at kung maaari ay mag-issue rin siya ng public apology.

Sey naman ng isang Twitter user, “Let’s start with cornrows. if you didn’t know already, cornrows are small, tight braids laid on the scalp. these braids originated in Africa and were used by enslaved African Americans as maps and escape routes from their slave owners.”

May mga nagtanggol naman kay Awra at nagsabing wala naman daw masamang intensyon ang bagets sa ginawa niya kaya hindi tamang pagsalitaan siya ng masasama.

“Naloka ako sa mga comments. When I was in Bora daming nag papabraids don .. and here sa Cebu? nag papa-braids ‘yung friend ko sa isang Nigerian last Sinulog,” sey ng isang netizen.

In fairness, pinakinggan naman ng Kapamilya artista ang payo ng ilan niyang followers at nag-sorry agad sa nagawa niyang pagkakamali.

Aniya, “Hi guys I just wanted to apologize for my recent post. I wasn’t fully aware that cornrow hairstyles has a long history of discrimination.

“I sincerely apologize for this mistake and I hope we all learn from this. Thanks to everyone who reached out and educated me!” aniya pa.

Mensahe pa ni Awra sa madlang pipol, “I’m not always right and that’s okay, I’m still learning, growing, and improving.”

Read more...