Sulat mula kay Kristel Palili, Padada, Davao del Sur
Problema:
1. Nahuli ko pong may ka-text mate na ibang babae ang mister ko at ng pinagsabihan ko siya, sabi nya kaibigan lang daw niya yong ka-text mate nya, pero bakit po nagsasabihan na sila ng “I love you” at mga sweet words kung magkaibigan lang sila. Mula ng nahuli kong may ibang babae ang mister ko lagi ng magulo ang isip ko at inaalala kong baka isang araw bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin?
2. May posibilidad po ba na mahiwalay ako sa aking asawa? Sa ngayon po pinapangibabawan talaga ako ng takot at pag-aalala, sana matulungan nyo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? May 16, 1979 ang birthday ko at September 2, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Kristel ng Davao Del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodi
Numerology:
Halos ganon din ang ipinapahiwatig ng birth date mong 16 at 2 naman ang mister mo. Ang totoo kapag pinagsabihan mo siya ng seryoso o halimbawa ng pinamili mo siya, sayo o sa ka-text mate nya, sa bandang huli, ikaw parin ang pipiliin nya at lagi nyang ikakatuwiran ikaw ang mas mahal niya. Ganon yon, wala lang magawa ang mister mo kaya siya nakikipag-text mate pero ang totoo hindi nya magagawang iwanan ang inyong pamilya.
Graphology:
At para hindi tuluyang mawala sa iyo ang iyong mister, bahagyang inobasyon ng lagda ang dapat. Imbis na ipaloob sa bilog, alisin mo ang malaking bilog sa iyong lagda. Magagawa mo kung hindi mo na ibabalik pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong pirma, sa halip, diretso lang patungong kanan. Sa ganyang lagda, magiging maligaya ka na hindi lang sa love life kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.
Huling payo at paalala:
Kristel ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat ikatakot o ikapangamba sa kasalukuyang sitwasyon, dahil sa bandang huli, lilipas din ang pakikipag-text ng iyong mister, at makikita mo, muling magiging sweet sayo ang iyong asawa, hanggang habang buhay na uling maging buo ang happy ang inyong pamilya.
May txm8 si mister (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...