May txm8 si mister (2) | Bandera

May txm8 si mister (2)

Joseph Greenfield - August 22, 2013 - 01:44 PM

Sulat mula kay Kristel Palili, Padada, Davao del Sur
Problema:
1.      Nahuli ko pong may ka-text mate na ibang babae ang mister ko at ng pinagsabihan ko siya, sabi nya kaibigan lang daw niya yong ka-text mate nya, pero bakit po nagsasabihan na sila ng “I love you” at mga sweet words kung magkaibigan lang sila. Mula ng nahuli kong may ibang babae ang mister ko lagi ng magulo ang isip ko at inaalala kong baka isang araw bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin?
2.      May posibilidad po ba na mahiwalay ako sa aking asawa? Sa ngayon po pinapangibabawan talaga ako ng takot at pag-aalala, sana matulungan nyo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? May 16, 1979 ang birthday ko at September 2, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Kristel ng Davao Del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Virgo naman ang mister mo ang nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo. Kaya kahit ano pa ang mangyari, halimbawa ngang tuluyang naging “babae” ni mister ang ka-text mate nya, wala paring problema, dahil sa bandang huli ang Taurus at Virgo ay nakatakda paring habang buhay na magsasama.
Numerology:
Halos ganon din ang ipinapahiwatig ng birth date mong 16 at 2 naman ang mister mo. Ang totoo kapag pinagsabihan mo siya ng seryoso o halimbawa ng pinamili mo siya, sayo o sa ka-text mate nya, sa bandang huli, ikaw parin ang pipiliin nya at lagi nyang ikakatuwiran ikaw ang mas mahal niya. Ganon yon, wala lang magawa ang mister mo kaya siya nakikipag-text mate pero ang totoo hindi nya magagawang iwanan ang inyong pamilya.
Graphology:
At para hindi tuluyang mawala sa iyo ang iyong mister, bahagyang inobasyon ng lagda ang dapat. Imbis na ipaloob sa bilog, alisin mo ang malaking bilog sa iyong lagda. Magagawa mo kung hindi mo na ibabalik pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong pirma, sa halip, diretso lang patungong kanan. Sa ganyang lagda, magiging maligaya ka na hindi lang sa love life kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.
Huling payo at paalala:
Kristel ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat ikatakot o ikapangamba sa kasalukuyang sitwasyon, dahil sa bandang huli, lilipas din ang pakikipag-text ng iyong mister, at makikita mo, muling magiging sweet sayo ang iyong asawa, hanggang habang buhay na uling maging buo ang happy ang inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending