HOROSCOPE August 22, 2013 | Bandera

HOROSCOPE August 22, 2013

Madam Sophia - August 22, 2013 - 01:38 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa kabila ng nagdaang malawakang pagbaha, biglang sisibol ang suwerte. Sa pinansyal, madaragdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, muling mag-iinit ang dating lumamig na relasyon. Mapalad ang 4, 5, 18, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra, “Krishnaya-Namahaya-Om”. Gold at blue ang buenas.    
Aries – (Marso 21-April 19)—   Kung alam mong nasa panig ka ng tama ipaglaban mo. Sa pag-ibig, ang tinitibok pa rin ng puso ang dapat masunod.  Sa pinansyal mas lalong lalago ang kabuhayan kung sososyo sa kaibigang Scorpio. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Malahatah-Om.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—   Mauubos ang araw sa paglilinis. Matuto ka na kasing mag-ipon ng maraming pera upang maipataas ang florring ng inyong bahay. Sa ganyang paraan, mag-baha mang muli sa susunod na taon, kampante at magiging masarap na ang tulog ng pamilya. Mapalad ang 3, 6, 27, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Me-Om.” Pink at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—   Hindi dapat malungkot kung nasasaid na ang pera sa bulsa, pagpasok ng zodiac sign na Virgo sa kalagitanaan ng buwang ito ng Agosto, malaking halaga ng salapi ang biglang mahahawakan. Mapalad ang 5, 9, 14, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Neh-Om”. Silver at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   “Water” ang ruling element ng Cancer. Habang bumabaha magugulat ka, higit na mas maraming salapi at magandang kapalaran ang sayo ay darating. Sa pag-ibig mainit na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Surya-Om.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—    Malapit na ang Barangay Election, kumandidato ka, upang maituwid mo ang mga maling ginagawa ng mga namumuno sa Barangay. Kung hindi mo sisimulan ang pagbabago, sino pa ang maaasahan ng iyong mga taga-Barangay?  Mapalad ang 1, 7, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manu-Om.” Orange at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—      Ngayong tag-ulan, upang sumiglang ang pakiramdam, mag-coffee break muna! Humigop ng umuusok na kape, upang muling mag-init ang romansa. Sa pinansyal, habang nagka-kape mas maraming matatapos na gawaing pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 14, 23, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Silver at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Upang matatapos na ang malawakang pagbaha, sisimulan sa panalangin ang araw na ito. Susunod sa mga dasal mo ang kalikasan, matapos mong manalangin, bukas ng umaga bigla ng aaraw. Mapalad ang 9, 17, 28, 33, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arkaye-Arkaye-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Ganyan talaga sa unang bukas ng negosyo, lugi muna! Upang bumilis ang pag-unlad,  magsusuot ng kulay na pula ikaw at ang iyong mga tauhan, lalo na sa araw ng Lunes at Biyernes. Mapalad ang 7, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Om” Bukod sa red ang green ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   ‘Wag mong intindihin ang sinasabi. Gawin mo lang ng gawin ang nasa puso mo, makikita mo sa ganyang paraan magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 3, 18, 21, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Violet at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—            Huwag masyadon magparami ng salapi! Hindi mo yan madadala sa langit. Ngayong panahon ng kalamidad, maging bukas palad. Mag-pack ng relief goods at iyong ipamigay. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 2, 4, 17, 28, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om”. Green at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Tanging tadhana lamang ang makapagsasabi kung may ligaya pang naghihintay! Meron pa kung iibig ka sa isang Libra. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung wala namang nararanasang true love? Mapalad ang 4, 11, 22, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Kubrera-Om.” Yellow at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—   Unawain ang kalagayan ng iba. Panahon na upang tumulong sa mga nasalanta n nakaraang pagbaha. Kapag lagi kang tumutulong maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang matatanggap.  Mapalad ang 7, 15, 23, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Beeja-Om.” Lilac at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending