Bong namatay na raw: Buhay na buhay po ako at malakas na malakas!

NAPANOOD namin ang bagong Facebook Live ni Sen. Bong Revilla, Jr. kanina na kinunan sa bahay nila at nakasuot ng puting kamiseta.

Nag-video uli ang senador para ipaalam sa publiko na buhay na buhay siya matapos kumalat ang fake news na patay na siya.

Bungad ng senador, “Today is August 28. Si Bong Revilla po ay buhay na buhay!

“Marami po kasing tumatawag sa akin kagabi pa, yung iba, umiiyak. Kanina, umiiyak din, ang dami.

“Akala, namatay na daw ako. Tumatawag from Cebu, from Davao, from the States. Kumalat na na ako daw ay pumanaw na.

“Buhay na buhay po ako, at malakas na malakas! At road to my full recovery,” pahayag ng aktor-politiko.

Aniya pa, “Hindi pa lang ako masyadong nakakapag-exercise ngayon, but at least, nakakapag-walking na ako, at nakakapagbilad na sa araw.

“At mabilis ho ang aking recovery. Bumalik na po ako sa (Senate) session, although by Zoom, online lang. Pero tayo po ay nagtatrabaho na bilang senador ulit. At marami po tayong ginagawang trabaho sa Senado.

“Ngayon po, itong mga walang magawa sa buhay, na pilit tayong pinapatay, e, buhay na buhay po ako. Siguro, wala lang talaga silang magawa.

“Ang sa akin lang, para doon sa mga nagmamahal sa akin, sumusuporta sa akin—nandito po ako, buhay na buhay.

“Buhay na buhay si Bong Revilla, at hindi po tayo papatalo sa COVID, kaya kailangan nating maging maingat.

“Iyong pilit nang pilit akong pinapatay, huwag naman at marami pa tayong gagawin para sa ating mga kababayan.

“Sa inyo pong lahat, again, iyon lamang po—at huwag ho kayong mag-alala, buhay ako, buhay na buhay si Bong Revilla. Today is August 28. I’m here in Cavite.

“I’m still alive and kicking! Sa inyo pong lahat muli, maraming-maraming salamat. Good morning, love you all, thank you!” pagtitiyak pa ni Sen. Bong.

Samantala, hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang mga nag-alagang nurses at doctor sa kanya sa St. Lukes Bonifacio Global City sa Taguig, buong pamilyang nanalangin sa agaran niyang paggaling at ang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Read more...