Yan ang paniniwala ng ilang tagasuporta ng dalaga kabilang na ang isang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC).
Nagsimula ang isyu ng posibleng pagpasok ni Angel sa politika matapos siyang bigyan ng Centennial Champion Award ng Zonta Club of Makati & Environs.
Ito’y isang global organization na nagbibigay pagkilala sa mga taong tumutulong sa mga kababaihan sa pamamagitan ng serbisyo at adbokasiya.
Binigyang-pagkilala nila ang volunteer works at charity projects ng aktres nitong nakalipas na mga taon.
Sa kanyang Instagram at Twitter account, ipinost ni Angel ang natanggap na Centennial Champion Award at nagpasalamat sa pagtitiwala at respetong ipinagkaloob sa kanya.
Ginamit ng aktres ang quote mula kay Mother Teresa ng Calcutta, India para ipaabot ang kanyang taos-pusong pasasalamat.
“I alone cannot change the world, but I can cast a stone across the waters to create many ripples.
“Enjoyed meeting inspiring women on zoom earlier today.
“To Zonta Club of Makati & Environs, thank you for making me part of your event. I admire your passion in uplifting women’s lives and the community.
“More power to all of you,” mensahe ng dalaga.
Isa si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa mga nag-retweet ng post ni Angel at nagsabing pwedeng-pwede itong maging senador.
Caption ni Guanzon sa kanyang post, “In my opinion, if Angel Locsin runs for Senator, she can win.
“Tatak Bisaya, Ilongga. Courageous, bright and with a sincere heart.”
May mga sumang-ayon sa kanya pero meron ding kumontra. Sinagot ni Guanzon ang isang netizen na hindi pa kaya ni Angel ang mga responsibilidad ng isang senador.
“Hindi po sa ayoko sa knya maam..pero senator po ay tiga gawa ng batas, so d po ba dapat lawyers just like u? Although wala nmn sa requirement un kaya tingnan nyo naman kung sino sino n lang natakbo. Again po..I like Angel pero po sana wag naman natin sya sa Congress I push,” comment ng netizen.
Sagot ni Guanzon, “Kaya ni Angel yan. Yong mga lalaki nga nag senador, e. Bakit babae hindi puede? She will hire bright lawyers to help her.
“Kailangan natin yong walang personal interest. Bayan ang sa puso,” aniya pa.
Kung matatandaan, mismong si Angel na ang nagsabi na wala siyang balak pasukin ang politika.
“Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think iyong buhay naman namin is very public.
“Lahat naman ito ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung hindi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao. Pero politics? Hindi talaga.
“Sobrang hindi. Wala, wala sa utak ko yun,” diin ni Angel.