Buboy Villar kay Ken Chen: Hindi siya plastik, totoong tao siya!

ALIW na aliw ang netizens sa vlog ng Kapuso actor na si Ken Chan kasama ang matalik na kaibigang si Buboy Villar.

“Sobrang saya ko kasi nakasama ko ang isang tao na mahalaga sa buhay ko. Masayang-masaya talaga ako kasi ang tagal naming hindi nagkita at na-miss kong kakulitan ito,” ani Ken.

“Ladies and gentleman, ang aking kumpare dahil inaanak ko ang kaniyang anak, si Buboy Villar,” sey pa ng aktor.

Nagkatrabaho ang dalawa at naging close sa pinagsamahang 2019 GMA primetime drama na “One of the Baes.”

Sa kanilang naging reunion, naglaro ang dalawa ng trivia drinking game with a twist. Kailangang uminom ng mystery drink kung sino sa kanila ang magkakamali ng sagot.

“Meron kaming gagawing game ngayon, simple lang ang game na ito pero kadiri, heto ang mga mystery drinks.
“Meron kaming sampung general questions, kung sino ang hindi makasagot o mali ang sagot, iinom ng drink,” lahad ni Ken.

Sa pagtatapos ng kanilang nakatutuwang game, pinuri ni Buboy si Ken sa pagiging professional at totoong kaibigan.

“Sobrang professional mo sa pagiging YouTuber talagang kinakarir niya ito. ‘Yung way niya mag-isip kung paano niya gagawin yung vlog,” sey ni Buboy.

Papuri pa niya sa kaibigan, “Hindi siya plastik, totoong tao itong si Ken.”

Samantala, napag-usapan din ng magkaibigan ang tungkol sa vlogging na siyang pinagkakaabalahan ngayon ng halos lahat ng artista.

Ani Buboy, “Ito yung parang bagong henerasyon sa mga buhay natin bilang mga artista, ‘yung pagpasok sa YouTube industry, nakaka-challenge ibang-iba sa trabaho natin.

“Una pa lang, sa treament, mahirap din mag-isip. Ito yung ay para rin makausap natin mga fans natin.

“Nakakatuwa na meron tayong ganito na puwed tayo magbigay saya at boses sa mga fans,” aniya pa.

Read more...