Subok na ni Sheryl: Hula Hoop epektib na ‘gamot’ kontra scoliosis

MALAKI ang naitulong ng paghu-hula hoop sa fitness journey ng Kapuso actress na si Sheryl Cruz.

Dahil sa galing niya rito at sa mga trending at viral videos niya sa social media, tinawag na siyang ultimate Hula Hoop Diva.

Four years nang regular na naghu-hula hoop dancing ang aktres pero lately lang itong napag-usapan nang bonggang-bongga dahil sa mga viral videos niya.

Nagsimula raw siyang maadik dito nang magpunta siya sa Guimaras kasama ang kanyant Triplet friends na sina Manilyn Reynes at Tina Paner. Doon ay kumasa raw sila sa isang hula hoop challenge.

“Akala ko rin it was easy at first kasi nga, ‘di ba, it’s just a rowing back and forth motion, pero challenging pala siya.

“Ang akala ko because you know how to dance, madali para sa’yo i-manipulate yung hoop. Pero hindi, ako yung laging bumabagsak yung hoop,” aniya sa panayam ng “Mars Pa More.”

Mula noon naging regular na ang paghu-hula hoop niya na nakatulong din sa kanyang scoliosis.

“Kasi when you walk, ‘di ba you tend to slouch most of the time, lalo na if you’re heavy.

“It helped me straighten my back. Yung posture ko, mas maayos siya,” kuwento ng aktres.

Dagdag ni Sheryl, mabilis ang epekto nito sa mga gustong magpapayat dahil, “This serves as a full body workout since your whole body moves when you do it.”

Read more...