Mariel napamura sa babayarang tax: Nasira araw ko, natulala ako!

HASHTAG #shookt na naman ang TV host na si Mariel Padilla nang malaman kung magkano ang babayaran niyang tax.

Talagang napatulala ang misis ni Robin Padilla nang matanggap ang balita tungkol sa buwis na kailangan niyang i-settle sa BIR.

Sa Instagram Story, hindi napigilan ni Mariel ang sarili na ibahagi sa madlang pipol ang nararamdaman niya sa babayarang tax, lalo pa ngayong napakahirap ng buhay.

“I was having such a nice day until my accountant texted me the tax I have to pay for. Nasira araw ko shet.

“Because natulala ako sa tax, 29 minutes na pala ako nagpa-pump,” mensahe ni Mariel.

Hindi naman sinabi ng TV host kung magkano umabot ang kanyang tax this year pero mukhang malaking halaga nga ito base sa naging reaksyon niya.

Kung matatandaan, napabilang ang asawa niyang si Robin sa Top 500 Individual Tax Payers ng bansa na inilabas ng Bureau of Internal Revenue noong March, 2015.

Nakasama ni Binoe sa nasabing listahan ang iba pang sikat na celebrities tulad nina Kris Aquino, Manny Pacquiao, Willie Revillame at marami pang iba.

Ang shocking reaction ni Mariel sa kanyang tax ay nangyari matapos ang pagdiriwang nila ni Binoe ng kanilang 10th wedding anniversary.

Plano sana nilang magre-renew ng kanilang vows ngunit dahil nga nabuntis siya at nanganak, idagdag pa ang pandemiya ay hindi ito natuloy.

“In my head, we were gonna have this grand, parang wedding because I didn’t get to experience that.

“I didn’t get to wear a white gown, walk down the aisle and have my family there with me and his family there with him,” ani Mariel sa kanyang latest vlog.

Ngunit sinorpresa naman siya ng asawa sa pamamagitan ng isang virtual get-together with their loved ones. Binigyan din siya ng bonggang singsing ni Robin bilang anniversary gift.

“Robin is really grand. His gestures are always grand. It was very Robin. I remember na I was touched na naluluha ako. Tapos nakita ko nasa Zoom, tapos ang daming tao.

“The first one that I saw was my dad. Sobra akong na-touch kasi everyone that we were really close to was there,” aniya pa.

Read more...