Kilalang personalidad nakipag-usap na sa abogado para sa hinaharap na isyu

 

HOW true na kumunsulta na sa abogado ang kilalang personalidad tungkol sa isyung ibinabato sa kanya ngayon na para sa kanya’y matagal nang tapos.

Tsika sa amin ng kaibigan ng kilalang personalidad, matagal na ang usapan nila ng taong nambato ng isyu at nagkaayos na rin sila.

Kaya naman nagtataka sila kung bakit muling inungkat ang issue sa kanila dahil pareho na rin silang nananahimik ngayon.

“Nag-ask siya sa abogado kung ano ang dapat gawin dahil at stake nga raw ang kanyang career.
“Sana kinausap daw siya nang personal kung anuman ang balak, sana sila muna ang nag-usap,” sabi pa ng aming kausap.

Tinanong namin kung may planong sumagot ang kilalang personalidad sa isyu para malinawan na rin ang lahat.

“Payo yata ng lawyer dedma na lang para tapos na, tahimik na lang at wala rin namang dapat i-explain kasi matagal nang tapos, buti sana kung recently lang,” sagot ng kaibigan ng personalidad.

Indirect na nabanggit sa amin na planong tawagan ng kilalang personalidad ang taong gumawa ng isyu at hindi na ito lumabas pa sa publiko.

 

 

Read more...