HINDI pala bet noon ng beauty queen turned actress na si Kylie Versoza ang boyfriend niyang si Jake Cuenca.
Ito ang diretsahang inamin ng dalaga sa chikahan nila ni Jake with TV host-vlogger Alex Gonzaga sa latest video nito sa YouTube.
Nagpaka-third wheel si Alex sa pagde-date ng magdyowa kamakailan kung saan nga nagkuwento si Kylie tungkol sa unang impression niya sa aktor at kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.
Inamin ni Jake na crush na niya si Kylie noong gawin nila ang pelikulang “Ang Panday” noong 2017 na pinagbidahan ni Coco Martin. Kontrabida si Jake roon kaya mala-Joker pa ang itsura niya.
Kaya ayon kay Kylie, “Hindi ko pa siya bet that time. Ayaw ko nang madumi, ayaw ko nang mahaba ang buhok.”
Pero nu’ng karirin na ni Jake ang panliligaw sa kanya, bumigay din ang dalaga at in fairness, mahigit isang taon na ang relasyon nila ngayon.
Nang tanungin ni Alex si Jake kung ito na ang longest relationship niya to date, “Siya na ‘yung magiging pinakamatagal ko for sure.”
Dec. 31 daw ang anniversary nila ayon kay Kylie dahil ito rin yung araw na una siyang sinabihan ng “I love you” ng aktor.
Samantala, inamin naman ni Alex na natatakot siya kapag tinitingnan niya si Jake, “Kasi di ba, lagi siyang nagagalit sa mga teleserye, laging nakasigaw.”
Depensa naman ni Kylie sa binata, “Maraming natatakot kay Jake pero super sweet niya talaga. Acting lang talaga (pagiging kontrabida niya sa soap opera) pero iba siya pag-uwi.”
Naloka naman si Kylie sa joke ni Alex na nag-date sila noon ni Jake at dito nga ikinuwento ng aktor na best friend niya noong bata pa siya ang fiancé ni Alex na si Mikee Morada.
Magkasama naman ngayon sina Kylie at Alex sa pelikulang “Love the Way U Lie” with Xian Lim.