Netizen supalpal kay Angelica: Sino ka ba? Kaibigan ka ba namin?

 

MUKHANG wala sa mood makipagbiruan sa mga netizens ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Sinupalpal kasi ng dalaga ang isa niyang Instagram follower na feeling close kung makapag-comment sa kanyang post.

Tila napikon si Angelica sa sinabi ng netizen na type nitong mag-join sa pagta-travel niya with her non-showbiz friends.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Angelica ang litrato niya kasama ang dalawang kaibigan habang nakasakay sa tila bangka (o yate) na may caption na, “Kaligayahan.”

Walang inilagay ang aktres kung saan at kailan kinunan ang litrato kaya kanya-kanyang hula ang kanyang fans sa nasabing lugar base sa background.

May isa namang netizen ang nag-comment ng, “WOW NAGEENJOY KAYONG TATLO AH! ISALI NIYO NAMAN AKO JAN KUNG PWEDE.”

Sagot sa kanya ni Angelica, “Sino ka ba? Kaibigan ka ba namin?

“Bakit kasama ka? Please explain. FURTHER,” hirit pa niya. Pero walang reply ang netizen.

Bukod dito, sinagot din ng aktres ang kanyang follower na nagsabing, “Ang liit ng mukha mo Ms Angelica o malalaki lang talaga yung mga kasama mo?”

Sagot sa kanya ng dalaga, “Nakakainsulto din at the same time.”

 

Humingi naman agad ng pasensiya ang follower niya, “Sorry mam, joke lang po un. Cute nyo pong tatlo.”

Read more...