TYPE jowain ng Kapuso stars na sina Andre Paras at Klea Pineda ang isa’t isa.
Sa latest vlog ng dalaga sa kanyang YouTube channel, hinamon niya si Andre na gawin ang fun “Jojowain o Totropahin” challenge.
Game na game naman ang Kapuso actor at diretsahan talaga niyang inamin na “jojowain” niya ang aspring beauty queen.
Pabirong pag-amin ni Andre, “Ang nakakapikon lang kasi, never kaming nagkaroon ng eksena sa Encantadia. Sana ‘yung mga writer natin naisip na pwede ‘yun.
“Gusto ko siyang ma-meet kasi alam ko na hindi lang siya maganda in person pero inside, she’s very respectful sa parents, very goal-driven, at alam niya kung ano’ng gusto niya.”
Para naman kay Klea, “Kasi si Andre, very fun siyang kasama tapos mapi-feel mo na concerned siya sa’yo.
“Kapag kailangan mo ng kausap, nandyan siya para sa’yo at hindi ka mabo-bore kapag kasama siya. Kaya feeling ko, pwede… jojowain ko siya,” sabi pa ng aktor.
Pinaalalahanan naman ng dalawa ang mga manonood na huwag bigyan ng malisya ang kanilang challenge.
“Okay, disclaimer it’s just a game, okay? For fun lang ito,” lahad ni Andre.
Samantala, para hindi ma-miss ng kanilang fans sina Klea at Andre, mapapanood ang latest aired episodes ng “Magkaagaw” at “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” sa GMA Network official website o sa GMA App.
* * *
Sa “Home Work” episode ng New Normal: The Survival Guide, ibinahagi ni Lovely Abella na importanteng maging madiskarte sa panahon ngayon.
“Hindi pala pwede na naka-focus lang sa kung ano ang alam mo. Ang alam ko lang kasi ‘yung umarte, magpatawa ng tao, ito lang ang kaya ko, e. Kailangan mong maghanap ng ibang way ngayon,” aniya.
Kaya nagdesisyon siya na maging fitness coach dahil bukod sa maaari itong pagkakitaan, makaka-inspire rin siya ng ibang tao para mapanatiling healthy ang kanilang pangangatawan.
Sinimulan niya ang online HIIT (high-intensity interval training) classes. Aniya, “’Yun ang strength ko, kaya kong ituloy-tuloy ‘yan ng 45 minutes or one [hour], basta may rest in between.
“And alam ko kasi ang HIIT is best cardio para mag-lose ka ng weight at the same time building muscles,” sey pa ni Lovely na regular pa ring napapanood sa “Bubble Gang” every Friday night.