Bea: In 10 years, we can look back at 2020 and say, ‘Hey b*tch, I survived!’

SOBRANG napahanga kami sa modern style pantry ng aktres na si Bea Alonzo sa kanilang bahay.

Para itong sosyal na tindahan sa mga mall na may mga ilaw sa likod para maganda ang effect.

Kinunan niya ang pantry at nilagyan  ng caption na, “I spent the day cleaning my pantry/plate room yesterday and checked if there are food items or products that are already stale or expired.

“These days, when everyone’s going through rough times, I think it is essential not to let any food go to waste.”

Bigla tuloy naming naalala ang kaibigan niyang aktor na si Enchong Dee, naiimbitahan kaya siya ni Bea na dumalaw sa bahay niya? Mahilig kasing kumain ang aktor at tiyak na walang masasayang o mae-expire na pagkain sa kanila.

Inamin na rin naman ni Enchong na mahilig talaga siyang kumain kaya wiling-wili siyang pumunta sa bahay ng BFF niyang si Erich Gonzales dahil maraming pagkain bukod pa sa masarap magluto ang aktres.

Going back to Bea, wala kaming ideya kung marunong siyang magluto dahil wala naman kaming nakitang post niya sa kanyang social media account maliban sa mga produktong ineendorso niya, pag-aayos ng sarili niyang bahay at mga travels niya.

Nag-post din si Bea kamakailan na sa mga panahong ito ay abala na sana ang Star Magic artists sa paghahanda ng mga isusuot nila para sa ABS-CBN Ball na ginaganap tuwing Setyembre.

Pero dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN kaya hindi na mangyayari ito ngayong taon bukod pa sa COVID-19 pandemic.

Nag-post si Bea ng larawang nasa isang bar siya na tila kuha last New Year’s Eve, “One week to go before September begins, Christmas is just around the corner, then the New Year’s Eve celebration.

“Soon, 2021 will begin. I hope this year brought us not only distraught and sadness but also a year full of lessons that only made us stronger. In ten years, we can look back at 2020 and say, ‘Hey, b*tch, I survived!'”

Read more...