#Tuhog: nanalong TNT contestant nag-yes sa online proposal ng dyowang taga-England, 

“TUHOG” ang pagkapanalo ng isang  Tawag ng Tanghalan contestant sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel.

Hindi lang kasi itinanghal na daily winner si Kristel Herrera sa singing contest ng noontime show, may isa pa siyang sorpresa na natanggap sa programa.

Maluha-luhang sumagot ng “yes” ang contestant nang biglang mag-propose ang kanyang boyfriend na foreigner on air sa pamamagitan ng video call.

Sa interview kay Kristel ng mga host na sina Vice Ganda at Vhong Navarro para sa paglaban niya sa second round ng TNT, natanong  siya tungkol sa kanyang lovelife.

Dito nga nabanggit ng dalaga na isa siyang cruise ship singer at doon nga niya nakilala ang English boyfriend niyang si Joshua Mumby na isa ring performer.

Habang nagchichikahan, tinawag ni Vhong si Joshua na nasa England ngayon, para makisali sa kanilang kuwentuhan online.

At dito na nga naisingit ng boyfriend ni Kristel ang pagpo-propose. Ipinakita niya ang isang diamond ring sabay sabing, “Will you do me the great honor of becoming my wife?”

“I love you very much and I can’t wait to spend the rest of my life with you. You know, I think you’re amazing. It would be incredible if you would accept,” dugtong pang mensahe ng foreigner.

Tugon naman ng singer habang umiiyak, “I already said yes, you haven’t asked me yet, I already said yes!”

Ayon pa kay Kristel, miss na miss na niya ang boyfriend. Naka-schedule sana silang magkita last July para sa   kanyang birthday pero hindi nga ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

At naging double celebration pa ang araw na yun para sa dalaga matapos tanghaling daily winner sa TNT.

Read more...