Bernadette Sembrano tsinugi bilang reporter ng ABS-CBN; rumaraket na sa paggawa ng kanta

HANGGANG Agosto 31 na lang si Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa “TV Patrol” segment na Lingkod Kapamilya bilang field reporter.

Ngunit mananatili pa rin siyang news anchor kasama sina Noli de Castro at Ted Failon.

Sa video post ni Bernadette sa kanyang Facebook page ay mahaba niyang ibinahagi ang balitang kasama siya sa mga naapektuhan ng malawakang tanggalan sa ABS-CBN.

 “I got a call from my superior and I was told that I was retrenched.  Today is Bnamnam day, I woke up feeling great hearing the voice of friends dear to me.

“I also got good news that we are awaiting our membership sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers), so this is the organization na grupo siya ng composers and songwriters another big surprise, right?”

Kaya nabanggit ito ni Badette (tawag namin sa kanya) ay dahil nagsusulat na rin siya ng kanta at sa katunayan ay katuwang siya ni Jonathan Manalo na sumulat ng theme song ng teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” (kinanta ng Aeigs) na kasalukuyang umeere ngayon sa Kapamilya Online/Channel, iWant, You Tube at iba pang platforms ng ABS-CBN.

At habang ikinukuwento ni Bernadette ang pagkakatanggal sa kanya sa Lingkod Kapamilya segment ay halatang pinipigilan niyang maluha.

“And immediately by noontime I got a call from my superior tungkol sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN, mga ginagawang field work for Lingkod Kapamilya, ‘yun ‘yung aking field work na ginagawa na assignment.  And I was told that I was retrenched.

“Masakit din, but this isn’t the first time that this happened to me that I was enjoying the morning and then pagdating ng hapon medyo not so good news. So kung may kirot masakit, may sakit, ang sabi ko, ‘ang galing talaga ni Lord mag balanse ng buhay.’

“Well, ang una kong naisip was, ‘dapat sa buhay sakto lang para alam mo kung kanino pa rin nanggagaling ang totoong kaligayahan at ‘wag sosobra kasi kapag sumobra baka makalimot ka na.’

“So, that’s my first take away but when I spoke with my best friend, tinanong niya sa akin, ‘oh kumusta ka?’ sabi ko, ‘okay naman.’  This is something that we expected to happen because of our situation in ABS-CBN.

“Pero maganda ‘yung sinabi ni best friend sa akin and para ‘wag daw ako mag-plagiarize iko-quote ko siya sa aking Bnamnam today.

“Everyday, good things and bad things happens throughout and it’s up to us what we what to hold on to and what we want to stay with us if you want to choose to remember the bad stuff or the good stuff and today I remain grateful.  I remain grateful.

“Thank you, thank you for my many years as field reporter and I am a changed person because of my field work and I know that every moment I had as a field reporter wala akong inaksayang panahon.

“And now I am also grateful because officially I am a songwriter it all happened today, so I hoped you choose the positive that happened today to remember each day and remember to be grateful, Bnamnam.”

Read more...