MORE than one month na ang nakalilipas mula nang manganak ang Kapuso actress na si Max Collins sa panganay nila ni Pancho Magno.
Mukha namang enjoy na enjoy si Max sa pagiging first-time mom kay Baby Skye Anakin habang binibigyang prayoridad pa rin ang pangangalaga sa kanyang sarili.
Sa kanyang Instagram, ikinuwento ng hiaktres ang realizations sa pagiging “new mom” at ang kanyang postpartum journey.
“I’m not going to sugar coat it. Being a new mom is so hard! And it’s even harder to find time to take care of myself.
“But I always try to remind myself that if I don’t, I won’t be the best mom I can be for Skye.
“Physical health is just as important as mental health. Our minds and bodies are connected right?!
“The reason why I’m sharing my postpartum journey is because it somehow holds me accountable,” aniya.
Dagdag pa ng first time mommy, “I love Pilates and I feel so good after each workout, so I’m glad I can somehow find time to fit a class in once in a while.
“It’s the little things that make me happy and working out is one of them,” dagdag pa niya.
* * *
Puspusan na ang paghahanda ng cast at production team ng “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” para sa pagbabalik-taping ng kanilang serye sa ilalim ng new normal.
Last week ay sumabak na sa virtual script reading ang cast ng serye na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, Jay Manalo, Migo Adecer at Karenina Haniel kasama ang kanilang creative team.
Ang naganap na script reading ay parte ng paghahanda ng cast sa pagpapatuloy ng kwento ng serye na matatandaang nagtapos sa hindi pagkakaunawaan ng magkaibigang sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo).
Bukod sa excitement ng cast ay hindi na rin magkamayaw ang kanilang fans na muling mapanood ang kanilang mga iniidolo sa telebisyon.
Abangan ang kapana-panabik na pagbabalik ng “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” sa GMA.