MAGSASAMA-SAMA ang ilang OPM singers parasa isang online concert na alay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinalita ni Jimmy Bondoc sa isang Facebook post ng NDM Studios. Titled “Singing for the President,” magaganap ito ngayong Aug. 30, sa ganap na 2 p.m..
Ayon kay Jimmy, na isang loyal supporter ng Pangulo, gagawin nila ang online concert para mapasaya at aliwin si PDigong sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng gobyerno sa COVID-19.
“Mahal naming Pangulong Duterte, gusto po namin kayo anyayahan panoorin ang aming online concert para sa inyo. We just want to sing for you,” mensahe ng singer-songwriter sa Pangulo.
“To be honest, you look very tired. Kami po ay nasasaktan para sa inyo, so we want to sing for you, just like the good old days,” aniya pa.
Ang ilan sa mga nakatakdang mag-perform sa online concert ay sina Mocha Uson, Arnell Ignacio, Dulce, Chad Borja, Njel de Mesa, Paolo Santos, Thor Dulay, Moymoy Palaboy, Imelda Papin at marami pang iba.
“Kahit sila po ay pagod na pagod na, alam po namin na mas pagod kayo. It really shows. And we just want to sing for you,” aniya pa.
“Kantahan naman natin si Pangulo. He looks very tired. And I think kahit paano, we can serve him, and serve the country in our small way through music, and to bring peace and love again to social media,” dagdag ni Jimmy.