Isa pang anak ni Sylvia may online business na; Sharon, Aiko unang customer

KUNG walang pandemya ay tiyak na panay ang palakpak at kuha ng video ni Sylvia Sanchez habang paakyat sa entablado ang anak niyang si Maria Angela Campo Atayde o si Gela.

Ito’y para tanggapin ang diploma ng bagets at bilang loyalty awardee na rin sa 51st Commencement Exercises sa St. Pedro Poveda College kahapon, Lunes, Agosto 24.

Sa pamamagitan ng virtual graduation rites ay ipinost ni Sylvia ang larawan ng anak na naka-school uniform na recipient ng 1st Sem Academic Excellence (Physical Education at Diploma de Espanol como Lengua Extranjera Passer).

Ang caption ni Ibyang sa post niya, “I am so proud of you. I’m excited to see you take a step closer to achieving your dreams and I will always be your number 1 fan.

“Although your college experience has to be online for now, have faith and remain hopeful that you’ll get to enjoy college in time. I love you so much! Congratulations again, Gelatin!” aniya gamit ang hashtags #proudmom, #happiness, #blessing at #thankuLORD.

Sumagot naman si Gela sa ina at aniya, “Thank you mom!! Love you! Wouldn’t have made it through without you and dad.”

Samantala, noong wala pang pandemya ay sinimulan na ni Gela ang kanyang online food business na ipinost dinni Sylvia kinagabihan, ang Nathan’s Menu na paboritong pagkain ng mga anak niya.

“Finally! My daughter, Gela’s online store is now open. Try the food that I usually serve to my family you wont regret it!. For orders, please fill up the form at the bottom of the picture. Happy evening.”

At kaka-post pa lang ng aktres ay marami na kaagad ang nagbigay ng suporta tulad nina Sharon Cuneta, Aiko Melendez, Divina Valencia at iba pang mga kaibigan ng pamilya.

Read more...