Pagsabog sa Jolo, Sulu, 9 patay

Pagsabog sa Jolo, Sulu, 9 patay

 

Siyam ang patay kabilang na ang limang sundalo sa isang pagsabog sa Walled City, Jolo, Sulu.

Ayon sa inisyal na impormasyon naganap ang pagsabog ng isang nakaparadang motorsiklo sa bahagi ng Plaza Rizal sa Jolo.

Nasa tabi ng sumabog na motorsiklo na sinasabing nilagyan ng maraming bomba ang M35 truck ng mga tauhan ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army na kagagaling lamang sa lingguhang pamamalengke.

Sa nasabing insidente, limang sundalo at apat na sibilyan ang agad na nasawi.

Pasado ala una ng hapon isa pang pagsabog ang naganap di kalayuan sa lugar kung saan nadamay naman ang sasakyan ng pulisya.

Read more...