Nikko Natividad nabiktima ng scammer: Nawala ang P4 million ko sa isang iglap!

NABIKTIMA rin pala ng isang investment scam ang Kapamilya actor-dancer na si Hashtag Nikko Natividad.

Ayon kay Nikko, nawala na lang na parang bula ang P4 million na pinaghirapan niyang ipunin matapos mag-invest sa business na isa palang sindikato.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Nikko ang isang news clip ng TV Patrol kung saan ibinalita ang pagkakahuli sa umano’y investment scammer na siya ring nangloko sa kanila.

“Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera.

“(Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen) Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito,” simulang pahayag ng Hashtag member sa kanyang caption.

Patuloy pa ng “It’s Showtime” host, “Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinag ipunan sa isang iglap lang.

“Sobra sobrang depression binigay nito saken. Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugo’t pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala,” aniya pa.

Sabi pa ni Nikko, “Hindi nako umaasa na mabawi pa yung pera na nakuha niya samen dahil alam ko na wala yung pera. Hustisya na bahala sa yo.

“Nawalan man kami ni Cielo ng pera Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy.

“Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko.

“Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sa kanya,” ang sabi pa ni Nikko.

Read more...