Rodjun inokray ng basher; wala raw ginawa kundi mag-TikTok habang super work si Dianne

 

 

INAKUSAHAN ng isang netizen ang Kapuso actor-dancer na si Rodjun Cruz na wala raw ginawa sa buhay kundi mag-TikTok nang mag-TikTok.

Ito’y habang abala naman daw ang asawa niyang aktres-host na si Dianne Medina sa pagtatrabaho kahit buntis sa panganay nila.

Pinalalabas ng basher na si Dianne lang ang nagwo-work para sa pamilya nila at si Rodjun ay pasarap lang sa buhay.

Sa Instagram account kasi ni Rodjun ay mas marami talaga ang mga naka-post na TikTok videos habang sa IG page naman ni Dianne ay puro litrato ng kanyang work-from-home set up.

 

Sa isang post ni Dianne kung saan ibinahagi niya sa netizens ang kanyang work station sa bahay, nagkomento ang IG user na si @maribethlayon.

“I noticed you’re the only one who keeps working and your hubby is just doing TikTok everyday,” matapang nitong mensahe.

 

Dagdag pa niya, baka raw wala nang project ngayon ang Kapuso actor kaya puro TikTok ang pinagkakaabalahan nito.

Mahinahon namang sinagot ni Dianne ang basher para ipagtanggol ang asawa.

 

Aniya, masipag at responsableng mister si Rodjun at naniniwala siya na magiging mabuting ama rin ito sa magiging anak nila.

 

“My husband is working really hard for me and baby Joaquin. Hindi lang siya masyadong ma-post. Hehehe.

 

“May bayad TikTok niya and IG posts and he has a lot of endorsements. Humble lang kasi asawa ko,” pagmamalaki ni Dianne kay Rodjun.

Read more...