Pia ibinandera ang lucky charm sa buhay: Nagsunud-sunod ‘yung swerte ko dahil sa kanya

 

SA unang pagkakataon, ibinandera ni Pia Wurtzbach kung sino talaga ang tunay lucky charm niya sa sunud-sunod na swerteng dumating sa kanyang buhay.

Ibinahagi ng beauty queen-actress sa kanyang Instagram ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa mga naging achievements niya sa buhay.

Nasa London, England ngayon ang ating 2015 Miss Universe kung saan kasama niya ang pamilya ng kapatid niyang si Sarah.

Halos araw-araw nagbibigay ng updates ang dalaga sa mga ginagawa niya ngayon, kabilang na riyan ang mga bonding moments nila ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Bukod dito, ipino-post din niya sa Inatagram ang mga kaganapan tungkol sa pagiging ninang sa inaanak niyang si Lara.

Dito nga sinabi ni Pia na si Lara ang isa sa mga lucky charm niya. Unang kuwento ni Pia, ilang beses pa siyang lumipad sa London para masaksihan ang paglabas ng inaanak noong 2014 pero hindi ito nangyari.

“Hintay ako nang hintay. Nag New Year na, ‘di pa rin siya lumalabas! I really wanted to wait and be there for when it happens but my sister said, ‘Sige na, umuwi ka na. Malapit na mag-screening sa Binibini,'” simulang pahayag ng Kapamila actress.

Chika pa niya, “So, I left and flew back to Manila. The day I became an official candidate for 2015, Lara was born tapos nag sunud-sunod na ‘yung swerte ko for that year and moving forward.”

“She’s growing so fast at nakakatuwang makita na sobrang generous nya sa friends nya, lagi syang nagsye-share kahit ng pagkain. At mahilig syang kumanta at sumayaw (with feelings)!” hirit pa ng dalaga sa kanyang IG post.

Samantala, inalala rin ni Pia ang mga pinagdaanan niyang hirap at sakripisyo para matupad ang kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng isang slideshow na ipinost niya sa IG.

“Senti ako this weekend…Hindi naging madali at maraming beses na naging malabo din kung matutupad ko pa ba ‘yung mga pangarap ko.

“Basta malinis ang intensyon mo, nagsusumikap ka, ‘di ka sumusuko, at ginagalingan mo sa kahit ano’ng ginagawa mo, dadating din ‘yung moment na matutupad mo ang ilan sa mga pangarap mo,” pahayag ng dalaga.

Read more...