‘Siguradong magiging bilyonaryo sina Erich at Enchong pag sila ang nagkatuluyan’

 

 

NITONG nakaraang linggo lamang, Agosto 17 namin inilabas dito sa BANDERA ang house tour ni Erich Gonzales na umani agad ng 1.5 million views sa YouTube and still counting.

Pawang magaganda ang komentong nabasa namin sa vlog ng aktres na nasa mahigit 6,000,  gandang-ganda sila sa kabuuan ng bahay dahil maaliwalas daw, homey, simple at maraming halaman sa loob at labas ng bahay.

Anyway, curious kami kung real estate broker itong si Erich on the side dahil nabanggit niya sa subdivision tour niya na sobra siyang nag-ipon at nag-invest sa lupa.

Sabay pakita ng napakalaking bakanteng lote sa tabi ng bahay niya na sa tantiya namin ay aabot ng mahigit sa 1,500 square meters.

Sabi nga niya, “Guys, kung gusto ninyong mag-invest, sa lupa, maniwala kayo sa akin mas maganda ang real estate.”

Going back sa pa-house tour ng dalaga, ipinakita rin niya sa kanyang YT  subscribers ang maraming bakanteng lote na pawang may mga puno on the side.

Maganda ang paligid nito at kumpleto sa amenities, ikinuwento rin niya na madalas ay location ang lugar nila ng mga teleserye at music video shoot.

Ang isa sa seryeng binanggit ay ang “Blood Sisters” na siya mismo ang bida na feeling namin ay rekomendado niya ang lugar dahil tahimik at walang masyadong tao kaya tuluy-tuloy ang taping.

May binanggit din siya na merong mga kilalang personalidad na roon daw ipinatatayo ang kanilang dream houses.

 

“Magiging kapitbahay ko na sila at nakita ko rin ang ginagawang bahay ng taga-Kapuso, wow,” masayang sabi ng aktres na ayaw naman banggitin kung sino.

May ipinakitang malaki at magandang bahay na for sale, “Ito baka gusto ninyong bumili ng bahay o lote, just e-mail me, I’ll help you, naks, broker na ako. Ha-hahaha!  Seriously if you want to buy house or lots here just e-mail me,” sabi ni Erich.

Sa panahon ngayon ng pandemic ay tila hindi namumroblema si Erich para sa pang-araw-araw niyang gastusin kasi nga simple lang naman ang lifestyle niya.

Ipinakita rin naman niya ang kabuhayan niya, hindi siya pasosyal at higit sa lahat napakasinop sa pera bagay na nagustuhan sa kanya ni Kris Aquino.

Sabagay, bilang lang ang mga programa ni Erich, hindi siya tanggap nang tanggap ng offer maging sa pelikula dahil kuntento na siya kung anong mayroon siya at higit sa lahat, ang lakas kumita ng vlogs niya ‘no?

At heto, may bago na naman siyang ia-upload, ang Q&A session nila ni Enchong Dee na mapapanood na  simula ngayong 8 p.m.. Marami na rin ang nagkomento sa teaser ng dalaga at sinabing, bagay na bagay talaga sila ng aktor.

Hmmmm, bakit nga ba hindi na lang kayo ang magkatuluyan? Bukod sa bagay na kayo ay pareho pang masinop sa buhay kaya tiyak na magiging bilyonaryo kayo in the future.

Read more...