Pagtatanim ng Alday Rice, game changer laban sa kahirapan – Nograles

Naniniwala si Cabinet Secretary Karlo Nograles na magiging game changer ang pagtatanim ng Alday Rice para malabanan ang kahirapan sa bansa.

Ayon kay Nograles, malaki ang potensyal sa pag-propagate ng Adlay rice upang maging alternatibong pagkain at mapagkukunan ng kabuhayan ng mga indigenous people at rebel returnees sa Caraga region.

“Ang Adlay rice ay mas nakapagpapalusog kaysa sa mais at brown at puting bigas. Tamang-tama sa hunger and nutrition para sa IPs sa mga upland at highland areas ng Mindanao kung saan pinakamataas ang bilang ng pagkagutom at kahirapan,” pahayag ni Nograles.

Popular na aniya ang Alday rice sa Regions 10 at 11.

Ilan sa mga nutritional value ng Adlay rice ang protona, anti-diabetic, mataas na dietary fiber at iba pa.

Read more...