TUTULUNGAN ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga biktima ng bagyong Maring na nagpapagamot sa mga pampublikong ospital.
Sa ipinadalang kalatas, sinabi ni PCSO Chairman Margarita Juico na sasagutin ng ahensya ang gastos sa ospital ng mga biktima ng bagyo na nasa government-run hospitals.
“
We assure the victims directly affected by typhoon Maring who are being treated at government hospitals in coordination with PCSO offices that their hospitals bills will be shouldered by PCSO.”
Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II nakasaad sa mandato ng PCSO ang pagbibigay ng dagdag na tulong sa panahon ng kalamidad.
“PCSO branch office heads and personnel are already coordinating with local government hospitals and clinics in areas affected by the storm.”
Mamimigay din ang PCSO ng Family Emergency Medicine at bigas sa mga evacuation centers.
MOST READ
LATEST STORIES