4.5 lindol tumama malapit sa Davao Oriental

Phivolcs

Isang 4.5 magnitude na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Davao Oriental ganap na 12:26 ng hapon ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sumentro ang lindol 68 kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Tarragona at may lalim itong 28 kilometro.

Walang anumang naiulat na pinsala o nasaktan sa nasabing pagyanig.

Read more...