Simula noong August 1 hanggang ngayong araw August 21 mayroong karagdagan na mahigit 37,800 na mga umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.
Base sa datos na nakuha ng Radyo INQUIRER mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 37,880 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Karagdagan ito sa mahigit 54,700 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.
Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na bit.ly/2Eg6RU2
Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.