Pia Wurtzbach umamin: I live with anxiety everyday…

INAMIN ni Pia Wurtzbach na araw-araw niyang pinaglalabanan ang kanyang anxiety attacks.

Para sa kanya, ito na raw siguro ang “new normal” habang patuloy na nakikipaglaban ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Sa pakikipagchikahan ni Pia sa mga kapwa beauty queens, sinabi niya kung gaano kahalaga ngayon ang pamilya at mga tunay na kaibigan sa pag-aalaga sa ating mental health.

Muling nakaharap ng Pinay Miss Universe ang ilang mga kaibigang beauty queens sa “Queentuhan,” isang digital pageant-themed web talk show.

Sila ni Binibining Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti at Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo ang mga hosts nito.

Dito, puring-puri ni Pia ang isa sa guests nilang si Miss International 2016 Kylie Verzosa dahil sa mental health advocacy nito.

Siya ang founder ng pinag-uusapan ngayong online support group na Mental Health Matters na tumutulong sa mga may mental health issues.

Nagbigay ng ilang advice at tips ang beauty queen-actress para mapanatili ang “good mental health” ngayong may pandemya at community quarantine.

Matapos marinig ang mga naging pahayag ni Kylie, inamin ni Pia ang pakikipaglaban niya sa anxiety mula pa noong magsimula ang lockdown.

“Again, hindi ito pambobola, pero I’m really a fan of your advocacy and what you are doing, Kylie,” papuri ni Pia kay Kylie.

“I’ve mentioned it a few times pa lang sa podcast na ito, pero I live with anxiety every day,” aniya pa.

Kuwento pa ng Kapamilya host-actress, “I haven’t been very vocal about it, but siguro during this pandemic period, parang mas tinanggap ko na lang siya, and I kind of learned how to adapt to it.

“It’s (mental health) so important now and I’m sure a lot of people would be able to learn from you also. So thank you for sharing this with us,” mensahe pa niya kay Kylie.

Nakaka-relate naman daw si Kylie sa pinagdaraanan ni Pia dahil kahit siya ay nakaka-experience din nito ngayong may health crisis.

“Pia, I also go through my own form of anxiety and I realized that getting enough sleep helps us, especially with our mental health, di ba?” pahayag ni Kylie.

Read more...