Pinalawig pa ng Judicial and Bar Council ang deadline sa pagsusumite ng application documents para sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at Legal Education Board.
Sa abiso ng JBC na nakalap ng Radyo Inquirer, extended ang deadline hanggang sa September 25, 2020.
Ang CA ay mayroong 6 na bakanteng pwesto para sa pagka-Associate Justice.
Isang AJ naman ang kailangan sa Sandiganbayan.
Habang ang CTA ay nangangailangan ng 2 AJ.
Chairperson at 3 Regular Members naman ang kailangang punan sa Legal Education Board.
Paalala ng JBC kailangang i-access ang online application scheduler hanggang August 25 para magparehistro at pumili ng petsa kung kailan isusumite ang mga kailangang dokumento.
MOST READ
LATEST STORIES