‘Stretching video’ ni Mark Leviste kalat na; may ‘santol’ na nag-hello 

SA halip na pag-usapan ang kanyang paggaling matapos tamaan ng COVID-19, mas naging hot topic sa social media ang kontrobersyal na “stretching video” ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat ang bise gobernador dahil negative na ang resulta ng huling swab test sa kanya kaya masasabing tagumpay ang paglaban niya sa killer virus.

Mensahe ni Leviste, “My heart is filled with joy and gratitude as I let you all know that I just received the result of my reswab yesterday, August 15, and I tested NEGATIVE. Thank God! Alleluia!

“Your prayers and concern, thoughtfulness and encouragement throughout my isolation helped with my speedy recovery.

“I am a COVID survivor and I emerge from this experience with a more positive perspective. I learned so much during quarantine, most especially the value of appreciating the small and simple things in life.

“I must admit, I feel blessed to be better than I deserve. My heart goes out to those (still) suffering from the virus. I continue to pray for their full recovery and strengthened faith. May God bless their families and grant them protection.

“My piece of advice—treasure those who truly care about you and focus only on the things that matter, too. But above all this, take care of your health; for he who has health has hope, and he who has hope has everything,” lahad ng politiko.

Pero pagkatapos nga nito, biglang kumalat ang video at mga litrato kung saan makikita ang vice governor na nagwo-workout at pawis na pawis.

Sa isang bahagi ng video, walang kamalay-malay si Leviste na sumisilip na pala ang kanyang private part habang nag-i-stretching at bumabati pa sa mga nanonood sa kanya.

Iba-iba ang naging reaksyon ng madlang pipol sa nasabing video clip — may natawa, may na-shock, merong naaliw pero mas marami ang nandiri at nasuka base sa mga nabasa naming comments.

Nakita namin ito at ang ilang screenshots na kuha sa mismong Facebook Live ng politiko at ipinost naman sa Twitter ng ilang netizens. May nagsabi na parang edited daw ang litrato dahil hindi sila naniniwala na gagawin yun ng politiko.

Wala pang reaksyon ang vice governor tungkol dito. Bukas ang BANDERA sa kanyang magiging pahayag.

Read more...