Kim sinorpresa ang taong tinawag niyang superwoman: Salamat, hindi mo ako iniwan

SA kabila ng pagluluksa ng pamilya matapos pumanaw ang kanilang lola, nagdesiyon pa rin si Kim Chiu na i-celebrate ang birthday ng isang kapamilya na tinawag niyang “superwoman.”

Isang surprise ang inihanda ng Kapamilya actress para sa kanyang sister na si Lakam na isa sa mga taong nagpapalakas at nagpapatapang sa kanya kapag may mga problema.

Inilarawan niya ang kapatid na kanyang “number one critic, number one fan, and superwoman” sa mensahe at litrato na ipinost niya sa Instagram.

“Thank you is not enough for everything that you do for us, especially for me,” ang caption ni Kim sa mga IG photos na kuha sa birthday celebration ni Ate Kam.

Inamin ni Kim na ipinagluluksa pa rin nila ang pagkamatay ng kanilang lola at isa ito sa pinakamatinding hamon sa kanilang pamilya ngayong taon ngunit naniniwala siya na magiging maayos din ang lahat.

“We’ve been on this journey together from the start. Thank you for sticking by my side and not leaving me.

“Most of all, for thinking for me when I don’t want to think anymore,” pahayag ng aktres para kay Lakam.

“Being my shield and protector, for always being the first one to pick me up every time I almost fall.

“Thank you for giving me hope. Thank you for being the pillar of our family! We are strong because of you!!!” emosyonal pang mensahe ni Kim para sa kapatid.

Read more...