PROMISING ang bagong morning talkshow ng TV5 na “Chika BESH” hosted by Pauleen Luna, Pokwang and Ria Atayde.
Napapanood namin ang programa tuwing umaga (10 a.m.) at in fairness, masaya, nakakaaliw at nakaka-good vibes naman ang kanilang first two episodes kung saan naging special guest nila sina Sofia Andres at Lani Misalucha.
May kanya-kanyang style sina Ria, Pauleen at Pokey sa pag-atake sa iba’t ibang issue pero mararamdaman mo ang sinseridad at pagiging totoo nila sa isa’t isa at sa kanilang mga bisita.
Of course, may mga pagkakataon na parang nagkakapaan pa sila kapag nagbibigay na kanilang opinyon sa tinatalakay nilang topic dahil siguro nagsisimula pa lang naman sila.
Pero sa kabuuan, pasado na ang bagong trio na magpapagaan at magbibigay inspirasyon sa inyo tuwing weekday morning.
As expected, gamay na gamay na nina Pauleen at Pokwang ang pagiging host at dahil pareho na silang mommy ngayon, mas malawak na ang kaalaman na maaari nilang i-share sa mga manonood.
Kaya ang revelation talaga sa “Chika BESH (Basta Everyday Super Happy)” ay ang anak ni award-winning actress Sylvia Sanchez na si Ria Atayde.
Yes, in fairness sa dalaga lumelebel naman siya sa hosting skill nina Poleng at Pokey dahil napakarami rin niyang makabuluhang life lesson na naise-share sa show.
Kung maraming naibabahagi sa viewers ng “Chika BESH” sina Pokey at Poleng bilang happy wives, si Ria naman ang magiging boses ng Team Single sa programa.
Comment nga ng isang sumusubaybay din sa bagong morning talk ng TV5, “Sa pagsasalita pa lang at pagbibigay ng opinyon, alam mong matalino si Ria at mabuting anak. Sure ako na hindi nagkamali ang TV5 sa pagkuha sa kanya.”
Sa isang panayam, inamin ni Ria na bago sa kanya ang pagho-host sa TV kaya marami pa siyang dapat matutunan at excited siya sa mas marami pang chikahan with Pauleen and Pokwang.
“I look forward to learning from both Mamang and Ate Pauleen considering how they’re both family women already, learning from them would be good for me and my future.
“Apart from that, I look forward to all the bonding moments and chika we’re about to have together.
“I look forward to doing more great things with the APT and TV5 families, our show on its own is going to be exciting so I guess just everything about the show,” pahayag ng dalaga.