Karylle hinamon ni Vice na batiin si Dingdong sa Showtime: Kinakabahan ako, baka ma-bash ako

 

HINAMON nina Vice Ganda at Vhong Navarro si Karylle na batiin on national TV ang ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Hirap na hirap ang singer-actress sa gustong ipagawa ng kanyang mga co-hosts sa episode kanina ng “It’s Showtime.”

Si Karylle kasi ang player sa “Mas Testing” segment ng noontime show at may tanong na hindi nasagot kaya kailangang sundin niya ang “fun-ishment” o parusa na ipagagawa sa kanya.

Hirit ni Vice, “Ito ang punishment mo, Karylle: Mag-‘Hi!’ sa isang ex na kilala namin on national television.”
Sagot sa kanya ng TV host-singer, “Wala naman akong number. Feeling ko binlock ako, e. Tatawagan ko?”

Pero pag-amin ni Karylle, “Kinakabahan ako. Baka ma-bash ako mamaya. Kapag binash ako, you got me girl, ha?” aniya kay Vice.

“Hi lang naman ito. This is just a game. Huwag niyo seseryosohin. Ang may gusto po nito ay yung gumawa ng game. Walang kinalaman si Karylle dito so wala siyang choice,” sey ng TV host-comedian na ang tinutukoy nga ay si Dingdong Dantes.

Chika uli ni Karylle, “Actually, madali lang yung ‘Hi!’ Yung mahirap, yung iba-bash ako mamaya. Ibang ex na lang. Kilala ni DJ Mod, hindi na kailangan buong pangalan. Hi, Mark! Kumusta? Sana okay ka.”

Pero hindi pa rin tumigil si Vice at sinabihan si Karylle na galingan dahil ang susunod na punishment ay mag-hi sa asawa ng ex.

Palabang sagot ni Karylle, “Kaya ko na! Kasi na-warm up na ako. I’m ready for anything now. Ready na ako kahit sinong hello, tawagan natin, whatever.”

At nang magkamali nga uli si Karylle ang parusa sa kanya ay gupitan ng one-inch ang kanyang bangs. Pero sa puntong ito, binati na niya si Dingdong.

“Hi to my ex! Kumusta kayo diyan?” sey ng singer. Hamon naman ni Vice sa kanya, “Sige, sabihin mo totoong pangalan ng ex na kilala namin!”

“Hi, Sixto. Belated happy birthday,” ani Karylle na ang tinutukoy nga ay si Dingdong na Jose Sixto Dantes III ang real name na nag-celebrate ng kanyang 40th birthday last Aug. 2.

Sey ni Vice, “Taray! Brave girl!” Na sinagot naman ni Karylle ng, “Happy ka na, Vice?!”

 

 

Read more...