“ANOREXIC”, “bulimic”, “mukhang kalansay”. Ilan lang yan sa mga masasakit na salitang ikinakabit sa pangalan ni Kris Bernal.
Inamin ng Kapuso actress na iniiyakan niya ang pambu-bully sa kanya ng mga bashers sa social media dahil sa kanyang kapayatan.
Ito ang naisip niyang topic para sa una niyang fitness vlog bilang bahagi ng first anniversary ng kanyang YouTube channel.
Inilunsad ni Kris ang weekly fitness vlog titled #KrisMadeMeDoIt para magsilbing inspirasyon sa lahat ng may hugot sa kanilang journey to a healthy lifestyle.
Dito, ibinahagi ng Kapuso star ang mga challenge na hinarap niya para maging fit and healthy, kabilang na rito ang pagharap sa mga bodyshamers na tumatawag sa kanya ng “bulimic” at “anorexic”.
“Even though I love fitness so much, it’s not always a perfect journey. Alam n’yo, I’m naturally thin and, oh my gosh naiiyak ako, I’m naturally small and may mga tao talagang namba-bash sa akin.
“Sasabihin nila anorexic daw ako, bulimic, I’m too thin. But in all honesty, it’s just my body type, it’s my genes,” simulang pahayag ni Kris.
“I’m an ectomorph, so ectomorphs are the body types that are the most resistant to gaining weight or gaining muscle because of our fast metabolism.
“Sobrang bilis ng metabolism ko like no matter how much I eat, hindi talaga ako tabain.
“Minsan lang din yes, may mga ganoon akong insecurities na ‘Bakit ka pa nagwo-workout ‘eh ang payat-payat mo na? Hindi ka na mukhang healthy.’
“Pero sa totoo lang kasi ever since I started working out and ever since I got into this fitness lifestyle, as in ‘eto ‘yung healthiest ko,” lahad ng aktres.
Aniya pa sa kanyang vlog, “Ito ‘yung masasabi kong hindi ako nagkakasakit and ‘eto ‘yung best feeling.
“So, ang hirap lang din ipaintindi sa mga tao na hindi porke’t payat ka bawal ka nang mag-workout.
“Hindi eh, this is my body type, na-embrace ko na siya and minahal ko na ‘yung flaws ko na ganoon so I hope na ganoon din sa inyo She-zums.
“Kung big-boned kayo o tabain kayo, just embrace your flaws and work on it if you want to,” paliwanag pa ng dalaga.