‘Likod’ ni KC nilait ng basher, Lea bumanat sa mga laitera

 

HANGGANG ngayon ay affected pa rin ang mga netizens sa viral swimsuit photo ni KC Concepcion kung saan agaw-eksena ang kanyang matambok na pwet.

May mga pumuri sa katawan ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion pero meron ding nang-okray sa dalaga at nagsabing nalaswaan sila sa nasabing litrato.

Naka-red swimsuit si KC sa litratong ipinost niya sa Instagram at kitang-kita ang makinis na pisngi ng kanyang butt.

“’If you can’t love yourself, how in the hell you gonna love somebody else?’ said RuPaul,” ang caption niya sa photo.

Comment ng ilan niyang IG followers, bilib sila sa confidence ng dalaga pagdating sa pagbibilad ng kanyang katawan sa social media dahil wala siyang takot at pakialam kung anuman ang sasabihin ng iba.

Tulad na lang ng panglalait ng ibang IG users sa kanyang “back fat”. Sabi ng isang netizen, “May fat ka sa wing back mo, KC. Remove mo ‘to then take it again. Pretty mo dito, e, kaso disturbing ‘yung fats sa likod.”

Isa naman ang nagsabi na tigilan na ni KC ang pagpo-post ng sexy photo sa socmed dahil mukhang wala naman daw interesado sa katawan niya. Halatang nagpapapansin na lang daw ang singer-actress para maging relevant pa rin sa showbiz.

Ipinagtanggol naman si KC ng ilang netizens kabilang na ang ilang kaibigan niyang celebrities na nagsabing walang sinuman ang may karapatang diktahan ang dalaga kung ano ang ipo-post niya sa socmed.

Isa sa mga dumepensa kay KC ay ang multi-awarded singer-actress na si Lea Salonga. Anito, walang dapat baguhin ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang katawan.

Banat ni Lea sa mga laitera, “The haters here can choke on their own hate vomit.”

Matagal nang advocate si KC ng anti-body shaming at mukhang hindi na siya affected sa mga bashers na nang-ookray sa katawan niya sa tuwing nagpo-post siya ng sexy photos.

Sey nga niya sa isang Instagram post, “Making my Portuguese curves shine everyday… in case someone’s been living under a rock, curves are in, curves are NOW, curves are TIMELESS, and having this ultra-feminine shape?? I wouldn’t have it any other way!

“Serving you a FILIPINA with LATINA CURVES. I’m here to celebrate all Filipinas who are like me.”

Read more...