Hugot ni Regine sa fans: Yung totoo, ayoko sanang tawagin nila akong idol dahil…
KUNG siya ang masusunod, ayaw pala ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na tawaging “idol” ng kanyang fans, lalo na ng mga LGBTQ members.
Ayon kay Regine, mas gusto niyang magsilbing inspirasyon at magandang halimbawa sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“Yung totoo, I don’t really want for them to idolize me because dapat isa lang ang idol natin sa buhay natin and that’s God,” pahayag ng singer-actress sa interview ng “I Feel U” kahapon.
Aniya pa, “If there’s a word na sigurong pwedeng gamitin, to look up siguro or to inspire, mas gusto ko yung nakaka-inspire ako ng mga tao.”
Pero inamin ng misis ni Ogie Alcasid na noong bata pa siya ay naging dakilang fan din siya at may isang artista raw talaga na nagsilbing inspirasyon niya para mangarap at magtagumpay sa buhay.
“Madami akong favorite nu’ng bata ako, pero yung talagang idol na idol ko, si Sharon Cuneta. Sharonian kasi talaga ako. At si Kuh Ledesma.
“Pero si Sharon yung talagang hanggang ngayon, na-i-starstruck ako sa kanya. Ganu’n ko siya talaga kagusto, kainiidolo,” pag-amin ni Regine.
At alam n’yo ba na talagang nagse-save pa siya ng pera para makapanood lang ng pelikula ni Mega?
“Yung mga pelikula niya kasi noon araw, relate na relate ako. Feeling ko ako yun, eh. I have seen most of her movies sa cinema, ha.
“Nag-iipon talaga kami para makapanood ng Sharon Cuneta movie,” chika ng Songbird.
Ano naman ang feeling ngayong siya na ang tinitingala at ginagaya ng mga fans, lalo na ng mga baguhang female singers?
“I feel happy and I feel very proud. I don’t know what I did right that these people are wanting to imitate me or even idolize me.
“Hindi ako sure kung ano ang ginawa ko kasi parang sa akin, gift ito ni Lord. Binigyan ako ng pagkakataon to make our lives better para sa family ko so ginamit ko,” sey pa niya sa nasabing panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.