SALUDO ang Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa pagiging masinop at wais sa pera ng asawang si Neri Naig.
Aminado ang OPM icon na kung hindi dahil sa diskarte ni misis malamang daw malaki ang problema nila ngayon sa pinansyal na aspeto ng kanilang buhay mag-asawa.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Chito ang galing ni Neri sa paghawak ng pera lalo na pagdating sa pagnenrgosyo.
Aniya, may dalawang financial tips siyang natutunan ngayong panahon ng pandemya para makaipon ng pera sa kabila ng kaunting kinikita.
“Save what you earn and spend what is left, instead of saving what is left after spending what you earn. The 2nd was not to put all my eggs in one basket.”
“Someone told me to diversify my investments and sources of income. Para kung may mawalang isa, may iba akong mapagkukunan ng pera.
“Nung nag-lockdown, biglang tumigil lahat ng gigs.
“Kung umasa lang ako sa pagbabanda, wala sana akong ibang mapagkukunan to provide for my family aside sa ipon na sobrang bilis ma-ubos kung hindi nare-replenish,” lahad ni Chito.
Patuloy pa niya sa kanyang IG post, “Another thing I did was to ‘invest’ in my wife…not necessarily financially, but more of ‘yung time and support she needed for her to succeed on her own.”
Dugtong pa niya, “Ngayon, mas malaki na sya kumita kesa sakin (even before mawala ‘yung gigs!).
“At nung tumigil ‘yung tugtugan, at least hindi ako masyado na-stress dahil aside from the fact na nakagawa ako ng mga secondary sources of income, alam ko na kaya kaming buhayin ng asawa ko sa pamamagitan ng pagbenta ng tuyo, suka, kape, at beddings — pam-bed and breakfast lang eh hahaha!
“I’m proud to say na ako pa rin ang provider. Pero mas proud ako kay Neri dahil sobrang laking tulong niya sa amin because of her online businesses.”
Pag-amin pa ni Chito, “Siya ‘yung nagtuloy sa mga natigil kong mga plano…tulad ng lupa na ‘to na balak ko bilin pero na-udlot dahil sa covid. Binili nya para sa akin.
“Eto ‘yung bunga ng pagiging maingat at wais ko sa pera, at pagiging supportive na husband.
“Kumbaga sa zombie apocalypse, mas mabuti nang dalawang kayong magaling makipaglaban, kesa sa mag-isa ka lang.”