YouTube star Emman Nimedez pumanaw na matapos makipaglaban sa leukemia

 

PUMANAW na ang sikat na YouTube vlogger na si Emman Nimedez matapos makipaglaban sa acute myeloid leukemia.

Ibinahagi ng kanyang girlfriend na si Peachy Santos ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

Mensahe ni Peachy, “Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke’s Medical Center – Quezon City.

“Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support. Funeral details will be announced in the next days.

“We hope everyone will respect the family’s privacy to mourn the passing of Emman. Thank you,” aniya pa.

Kung matatandaan, isinugod ang vlogger sa ospital at na-ICU dahil  sa kidney failure at blood complications.

Noong nakaraang Mayo, mismong si Emman ang nag-announce sa isa niyang vlog na meron siyang cancer.

Kahapon lang, ibinalita namin dito ang paghingi ng tulong ni Peachy para kay Emman.

“Sa mga nakakabasa po nito gusto ko lang po ipaalam na Dinala po sa ICU si Emman kagabi dahil po sa kidney failure and blood complication. Nawalan po siya ng malay around 10pm, tinry ko po siyang gisingin pero di na po siya nagrerespond.

“Hindi pa namin siya nakausap since kagabi. Bago po siya pinasok sa ICU kausap po namin siya kasama ang Team Payaman at mahal n’ya sa buhay and alam kong naririnig n’ya ‘yun dahil tumatango po sya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. Ngayon po ay critical condition n’ya at unstable.

“Kailangan po namin ng suporta at tulong n’yo ngayon malaki man o maliit ang halaga. Pera man o simpleng pag-share lang ay malaking tulong na po ‘yun para sa kay Emman kitang-kita ko na gusto n’ya po lumaban.

“Kasi everytime na sinasabe ko “lalaban tayo ha” tatango sya. Hinahawakan n’ya yung kamay ko ng mahigpit at alam ko na lalaban tayo na magkasama sa pagsubok na to.

“Kaya mo yan Mahal. Alam kong kaya mo.”

Si Emman ay nakilala bilang YouTuber noong 2011 at sumikat nang husto noong 2017 dahil sa kanyang viral videos. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 2.17 million subscribers.

Huling post niya ay ang music video niyang “Uuwian” two weeks ago na umabot na sa 1M views at nitong Biyernes nga ay itinakbo na siya sa hospital.

Mula sa BANDERA, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Emman.

 

 

 

Read more...