TULOY na tuloy na ang pagbubukas ng The Vice Ganda Network matapos itong ma-delay nang ilang araw dahil sa technical problems.
Tweet ni Vice Ganda ng kagabi, “Bongga to promise! Pero di ka makaka-watch kung di ka registered. Di ka din makakasali sa games.
“So di ka mananalo. Kaya di ka sasaya kung di ka registered. Ang saklap kung di ka registered. Ang chaka mo kung di ka registered! Kaya magregister ka na! https://register.viceganda.com.ph.”
Kasama rin sa post ng TV host-comedian ang isang art card na may nakasulat na, “Porshur na porshur na talaga! Take 2 Vaklang two!”
Mapapanood sa The Vice Ganda Network ngayong gabi, Agosto 14, 9 p.m. ang “Ang Prize Ganda” na isang online palarong pangmadla habang sa Sabado, Agosto 15 naman magsisimula ang “Gabing-Gabi na Vice”, 10 p.m..
Isa pang tweet ni Vice noong Agosto 12, Miyerkoles, “Inaantay ka ng PRIZES worth 100,000.00. Kaya wag ka ng ngumanga!!! Register na para chugug!!!
“Register na para maka-achieve ng Good Vibes at Cash Prizes. Daliiii!!! G na G na to!!!! Sa mga nakaregister na dati keri na yun kaya kalma na kayo.”
Hindi natuloy ang grand launch ng The Vice Ganda Network noong Hulyo 24, Biyernes dahil nag-crash ang network sa sobrang daming nagparehistro.
Balitang umabot sa mahigit na 100,000 ang nag-register kaya pati si Vice ay hindi rin nakapasok sa sarili niyang network.
Makakasama ni Vice sa “Prize Ganda” ang Gold Squad team na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Garcia at Kyle Echarri.
Sina Angel Locsin at Bea Alonzo naman ang makakatsikahan ni Vice sa “Gabing-Gabi na Vice.”