‘Probinsyano’ ni Coco hindi pa tatapusin sa Setyembre: Wala pang ending si Cardo Dalisay

PAHINGA ang buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa kani-kanilang mga bahay-bahay dahil sa susunod na buwan, Setyembre ay balik taping na ang lahat at lock in ulit sila ng mahigit isang buwan.

Nabalitang hanggang Setyembre na lang ang aksyon serye ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay pero ayon sa aming source, “Wala pang ending date ang Probinsyano sa pagkakaalam ko.”

Oo nga, ang haba pa ng itatakbong kuwento ng programa dahil ang kuwento ng Presidente na si Rowell Santiago ay hindi pa rin pinapayagang magising ng asawang si Lorna Tolentino as Lily kasabwat sina Tirso Cruz lll, Mark Abaya at John Arcilla.

Iba rin ang kuwento ni Richard Gutierrez bilang si Lito na hanggang ngayon ay mahal na mahal ang dating katipan na si Alyana (Yassi Pressman) kahit may asawa na at palaisipan sa manonood kung magiging kaibigan siya o kaaway ng grupo nina Cardo at ng Task Force Aguila na nagtatago sa lupaing nakasanla sa kanya.

Habang sinusulat namin ito ay naghahanap ang location manager ng ‘FPJAP” ng venue na susunod na pagsusyutingan nila na malayo sa may COVID-19 cases.

“Naghahanap pa ng area for shoot, yung walang masyadong COVID. Pero babalik pa rin daw ang grupo sa Batangas farm,” tsika pa ng aming source.

Ang maganda at malawak na farm na pag-aari ni Richard sa kuwento ng “Ang Probinsyano” ay pag-aari ng Leviste family.

Samantala, nabanggit namin sa aming kausap na konting minuto na lang ang napapanood sa programa dahil puro ads ito na sa tantiya namin ay 20 minutes lang ang kabuuan ng kuwento ni Cardo Dalisay at ang iba ay nakalaan sa ads.

“Buti na lang at least nakakatulong sa network,” say pa sa amin.

Ano nga ba ang mangyayari kina Alyana, Lito at Cardo? Malalaman ba ng huli na binabawi ang asawa niya ng dating katipan nito?

“Ha-hahaha! Hindi pa namin alam,” tumawang sagot sa amin.

Oo nga pala, on the spot sinusulat ang script ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya walang nakakaalam kung anong mangyayari sa susunod na eksena.

Read more...