Alessandra ayaw mag-vlog, TikTok: Bakit ba hindi ako nag-law!?

KUNG may isang desisyon si Alessandra de Rossi na tila pinagsisisihan niya, yan ay ang hindi niya pagsunod sa isang request noon ng kanyang ina.

Ang tinutukoy ng award-winning actress ay ang tapusin ang pag-aaral at tuparin ang pangarap ng nanay niya na siya’y maging lawyer.

May himig na pagsisisi ang pahayag ni Alex na hindi niya pinakinggan ang payo ni Mrs. Nenita Schiavone noon na mag-aral muna bago mag-artista, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Gusto kong mag-aral. Sabi ng mama ko, I should be a lawyer. Yung parang, ‘Walang nananalo sa ‘yo, mag-lawyer ka, sure na, yayaman ka diyan.’ Yun, parang yun ang nasa isip ko,” ang pahayag ni Alex sa panayam ng Monster Radio RX 93.1.

Nagsimulang mag-artista ang dalaga sa edad na 13 pero aniya wala talaga siyang planong mag-artista noon.

Bukod daw sa gusto niyang kumita rin tulad ng ate niyang si Assunta de Rossi, mas pinili niya ang showbiz kesa school dahil sa pambu-bully sa kanya ng mga kaklase.

“Nag-start si Assunta, nakita ko meron siyang bank account, e, may pera siya. Tapos nu’ng time na yun, binu-bully lang ako sa school, hindi ako masaya sa school.

“So, parang sabi ko, ‘Mama, pwedeng mag-artista na lang ako?’ Umiiyak siya, ‘Anak, tapusin mo na yung school mo, para mo nang awa.’

“Sabi ko, ‘No, no. Ayoko nang mag-school, gagalingan ko na lang,'” aniya pa.

Hirit pa ng aktres, “Ayun, pandemic. Dapat nag-school na lang ako. So, guys, stay in school para n’yo nang awa. At least meron kayong real job.

“I’m not saying this is not a real job, yung mga ginagawa natin, pero at least, you know, may iba pa kayong options.

“Like, ako, wala akong makitang option ngayong pandemic kung hindi, like, I grew up in show business, so malamang lahat ng friends ko creatives, writers, directors, ganyan.

“Lahat sila nagsa-suggest sa ‘yo vlogging, ayoko namang mag-vlogging. Mag-TikTok, ganyan. Bakit ba hindi ako nag-law,’ di ba?” chika pa ni Alex.

Read more...